HINDI lahat ng ordinaryong Katoliko sa ating bansa ay naging anti-RH Law, o kasalukuyang anti-divorce or even 100% anti-abortion, to mention a few contentious positions sa Simbahang Katolika sa Pilipinas. I may even dare say that, bagamat lahat sila ay patuloy na nagsisimba at nag-aambag sa Iglesia Katolika, lahat ng Catholics are actually cafeteria ones. Naniniwala akong ganun din ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo at Jesus Is Lord Church, hindi ko nga lang alam kung ilang porsyento sa kanilang populasyon ang hindi nagpapadala sa anumang groupthink na mayroon na isinusulong ng isa o ilan sa kanilang mga lider. In my case, totally na titiwalag lang ako sa Roman Catholic Church, temporarily man o permanently, o ihihinto ang aking pa-₱20-₱20 na inilalagay sa collection bag tuwing nagsisimba (na, I admit, ay ilang beses lang naman sa isang taon), kung akin nang makikita na ang LAHAT ng lider, o ang MGA NASA TUKTOK, ng aking Simbahan . . . ay kampi sa mga tao o kaugalian na di ko kailanman maaaring kampihan.
No comments:
Post a Comment