NARITO na naman tayo. Nakakalimang blog na ako sa buwisit na temang ito,
ngunit nandito na naman ako.
Pa’no naman kasi, may listahan na namang inilabas para sa National
Artist of the Philippines Award (na bibigyan ko rito ng acronym na NAOTPA) ang
National Artist of the Philippines Award committee ng Cultural Center of the
Philippines (CCP) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at
tila may gulo na naman. Sa mga pangalan na isinumite ng kumite (na inatasang
gumawa ng listahan para sa award na ito), may isang nilaglag ang taga-aprubang
Opisina ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Nilaglag daw si Nora Aunor sa
listahang isinumite.
Nora Aunor (photo borrowed from http://entertainment.inquirer.net/145396/protests-over-new-national-artist-awardees-should-finally-lead-to-reforms) |
Ang
pinansin at pinatulan ko ay ang survey na pi-nost ng kaibigan ko sa Facebook na
si Simkin de Pio, gallery owner. Sa post ni Ka Simkin sa Facebook group o
community na ArtPhilippines, nanghingi siya ng boto ng mga miyembro ng grupo—mga
artists, critics, art lovers, atbp. At ang virtual title ng post niya ay ito:
ArtPh asks – The National Artist Awards: To Scrap or Not to Scrap, and Why?
May
tatlong pagpipilian sa post na ito ni Ka Simkin: 1) NO, I don’t think the
National Artist Award should be scrapped, because…; 2) YES, I believe the
National Artist Award should be scrapped, because…; at 3) MAYBE, who cares?
It’s all politics and I reserve my right to abstain, because… Sa comment box,
maraming nagbigay ng kani-kaniyang dahilan o di kaya ay disclaimer.
Halimbawa, ang Facebook friend kong si Jonathan Benitez, Palawan artist
na bumoto ng YES to scrapping the award, ay nag-offer ng kanyang mungkahing
ito: "We need more art education and promotion and art critics."
Na-engganyo akong mag-comment sa post matapos kong bumoto rin ng “YES to
scrapping the award,” hindi lamang dahil Facebook friend ko si Ka Simkin,
ngunit dahil isa ako sa tatlong ti-nag ni Ka Jonathan sa tanong niyang ito:
“Curious lang ako, sir Pandy Aviado, bay Simkin de Pio, at Jojo Soria de Veyra.
Bakit bata pa na-declare si Arturo Luz as National Artist? (And some people) don’t
have a clue about him.”
Di ko sinagot ang tanong ni Ka Jonathan tungkol sa edad ng mga naparangalan
sa mga nagdaang taon ng NAOTPA, at di rin ako nagbigay ng general backgrounder tungkol
kay Luz na maaaring magsilbing depensa sa worthiness ng conferment dito. Si Ka
Simkin na ang nagbigay sa mga kaibigan ni Ka Jonathan ng backgrounder na iyon.
Ang sinagot ko kay Ka Jonathan ay ire lamang:
ANG NASYONAL
SA NASYONG ITO
“Yun talaga ang point, pareng Jonathan.
Marami sa mga kababayan natin sa ating nasyon (as in ‘nasyonal’) ay walang clue
tungkol sa mga nananalo o napararangalan. Maaaring ako ay may clue at maaaring
saludo ako sa artist na napaunlakan, subalit dahil hindi ako statist kundi
populist, hindi ko sasaluduhan ang prosesong statist o maka-state at hindi naman
totoong maka-nation. Hindi isyu ang kung deserving ng honors o hindi ang isang
naparangalan, ang isyu ay kung dapat bang mag-impose sa isang nasyon ang isang
state ng ituturing nila (ng nasyon) bilang kanilang ‘nasyonal’ na artist. At dapat bang
buwisan ang nasyon (kasama ang mga artists dito) para masuportahan ang tinuring
na artists ng estado? Mapapansin mong ang mga bansa (o di kaya gobyerno) lang na
may statist na persuasion ang may mga national artist conferments, Turkey
halimbawa.”
Sabi
naman ng well-recognized na artist na si sir Buds Convocar, “Kapag ganyan naman
ang naging basehan, baka mas maraming maging NA awardee na comics illustrators
kaysa sa mga painters at sculptors—di kaya?” At may mahalagang point ang
rhetorical question na ito ni Ka Buds na seryosong concerned sa quirks ng
populism. Totoo nga namang mas maraming tao ang nagagalingan sa drowing ng mga
comics artists kaysa sa painting ng mga minimalists. Babalikan natin ang isyung yan.
Ang sunod namang tanong ni Ka Jonathan ay, “Ang Presidential Medal of
Merit awardee ng US ba, walang monthly stipend, Jojo Soria de Veyra, Buds
Convocar?”
Sagot ko, “Di ko alam na may presidential medal of merit ang US, pre.
Ang alam ko lang yung dating Medal for Merit na hindi naman para sa arts. Wala
na yata yun.”
At sa rhetorical concern ni Ka Buds, ito ang inoffer kong take: “Ang punto
ko lang naman kasi, ang nasyon ay mayroon nang national artists (na naging national
ayon sa kaniyang kultura at hindi ayon sa kultura ng minority elite) na hindi
na kailangan pang bigyan ng capital letters para maging National Artists. Bakit
ba kailangan maglaan ng tax money ang mga taga-estado para magbigay ng capital
letters sa iilang artists na ‘nasyonal’ daw, nasyonal ayon sa kanilang pananaw
sa konseptong ‘nasyon’ o di kaya ayon sa kanilang utopia ng kung ano dapat ang
hugis ng kultura ng ating nasyon. Bilang isang demokratikong mamamayan at
advocate ng democracy, hahayaan ko na ang pagiging multicultural ng ating
nasyon, kaysa naman ipagpilitan ko sa inyo—kung ako na ang poderoso—ang mga kinagigiliwan
kong artists na siyang maging Artists ng nag-iisa ang kultura nating Nasyon.
Unang-una, ang Pilipinong ‘nasyon’ ay isang mito, isang myth.”
Mas mabuti bang tawagin na lang nating Artist of the State Award ang NAOTPA, para klaro at di na magkagulo?
ANG
NASYON NG PRIBILEHIYO
Maraming naging comments galing sa ibang members sa
posted survey na ito ni Ka Simkin, both pro-NAOTPA and anti-NAOTPA. Ilalagay ko na
lang dito ang aking mga naging sagot sa ilang mga mungkahi.
Halimbawa, sa mungkahing
dapat alisin na ang pribilehiyo ng Pangulo na pumili ng awardees mula sa
listahan na isinumite ng NAOTPA selection committee, gayunman ang pribilehiyo
nitong gumawa ng sarili niyang listahan, ang masasabi ko ay ito: Kung dapat
walang ganitong pribilehiyo ang Pangulo ng nasyon, sino dapat ang may ganitong
pribilehiyo? Ang Unyon ng mga Artistang Pilipino sa People's Republic of the Philippines? isang konsehong binubuo ng mga matagumpay na artists na magdedesisyon din para sa milyun-milyong tastes at appreciation ng milyun-milyong elemento ng nasyon?
Tuwing
may mga pararangalan sa NAOTPA, nagkakagulo ang nasyon ng mga artists at art
lovers at media dahil sa iisang katotohanan: ang nasyon natin ng milyun-milyong
Pilipino ay may kaniya-kaniyang gustong magawaran ng NAOTPA, kung kaya’t madalas
ay minumura na ng ilang bahagi ng ating multicultural na nasyon ang kumite na
inatasang pumili dahil sa kaniyang mga pinili o hindi pinili, gayunman
ang Pangulo na nag-apruba, di nag-apruba, o gumawa ng sarili niyang listahan.
Ang point ay ito: ang bawat indibidwal sa ating nasyon ng milyun-milyon ay may
peyborit artist. Ngunit sa nasyong ito, ng milyun-milyon, may kumite ng estado
na may last sey at may hawak sa NAOTPA. Entonces, sa NAOTPA, ang kumite ang
nasyon, hindi ang totoong nasyon ng milyun-milyon.
Sa
Soviet Union noon, may Union of Soviet Writers na nagdedesisyon sa kung sino—officially—ang
ituturing na magaling at mahusay at sino ang ituturing na pangit o walang
kuwenta ang mga sinulat. Kasama si Aleksandr Solzhenitsyn do'n sa mga itinuring
na pangit. Ito ba ang union na gusto nating itayo, o hayaang nakatayo, sa ating
nasyon ng mga artists at art lovers?
Ngunit may paraan naman daw para di maging hawak sa ilong ng estado ang
kumite na itatayo, o nakatayo na. Para hindi ito maging beholden sa Pangulo o
ruling party, may isusulat na bagong rules. But the fact is that any state
institution always finds itself beholden to the leader of the state! And whenever
and wherever it isn’t, it is only able to do so because of the presence of something
else it can alternatively be beholden to, something other than the President, an opposition
Congress, halimbawa.
Maaari ba tayong makapagtayo ng isang state arts council na walang “impure motives” na magpapatakbo ng NAOTPA? Again, impure motives, obvious or sublime, will always be present in state sponsorship of artists and art-making, for the simple reason that the use of state funds for state favouritism is already impure from the start.
ANG
NASYONALISTANG NASYON
Sa isyu
ng nasyonalismo naman na nasa likod daw ng NAOTPA at sa pagpapalakas daw ng mga
simbolo sa adhikaing ito, isantabi na muna natin ang problema ng mismong ideyalismo
ng nasyonalismo bilang adhikain ng puso sa kabuuan nito, ang problema nito halimbawa
sa pagiging crude (kapag nasa ngalan ng local o indigenous) o pagiging threatening
(kapag nangingibabaw ang isang ‘Filipino ang art ko, banyaga iyang sa iyo’ o ang isang ‘buy Filipino art only, down with imported art’ na tibok ng puso nito).
Iwanan
muna natin ang epekto ng nasyonalismo sa trade economics at magfocus na lang tayo sa isang kategorya sa
arts, sa visual arts, halimbawa. Maraming art contests ang may hangarin na
tulad ng sa NAOTPA, ang palawigin ang sense of national pride and identity sa
pamamagitan ng recognition para sa mga visual artists na nakagawa na ng
kanilang di-matatawarang mga kontribusyon sa arts ng bansa. Hindi ko nga lang
alam ngayon kung paano ito makatutulong sa pagbibigay sa ating mga kababayan ng
ambisyong isulong ang kanilang mga sarili tungo sa dakilang landas ng ingenuity,
social significance, at economic progress. Dahil kung tayo ay talagang seryoso
sa hangaring ito, doon na ako ke pareng Jonathan sa sinabi niyang solusyon sa
kakulangan ng ambisyon: “We need more art education and promotion and art
critics.”
Not necessarily professional art critics kundi art criticism
exchange between artists and art lovers. Yun! Art criticism exchange. Hindi
pag-aagawan ng medalya at trophy na may malabo o pantastikong pahalaga! Baka sa art education pa nga natin makita ang mga kakitiran sa mismong ideya ng “nasyonalismo.”
PAGLABU-LABO
NG NASYON
Isa pa, alam natin na ang estado ay hindi parati para sa nasyon, kaya minsan ninanais natin na ang nasyon ay maging ang estado.
Pero, ganun talaga. Di natin maaalis ang katotohanang may mga artists na hinihingi ang presensiya ng estado sa larangan ng sining, habang may mga artists naman na mas hiling ang di pakikialam ng estado sa larangang ito.
Pero, ganun talaga. Di natin maaalis ang katotohanang may mga artists na hinihingi ang presensiya ng estado sa larangan ng sining, habang may mga artists naman na mas hiling ang di pakikialam ng estado sa larangang ito.
Ang
ibang artists nag-i-struggle na hindi makialam ang estado sa artmaking nila o
sa kanilang artform o genre. Ngunit may panig ng artists naman na nagdedemand ng pakikialam (o suporta) ng estado sa mga artists. Siguro nga hindi ganun ka-obvious ang
lalim ng difference na ito dahil nakatira tayo sa isang democracy kuno. Siguro
mas magiging obvious ang lalim ng difference na ito kung nakatira tayo sa isang
diktadurya o komunistang bansa. O di kaya pag napakialaman na ng estado (o ng
taxpaying nation, for that matter) ang art natin at di natin nagustuhan ang pakikialam.
Naroon ang “bipolarity” na ito, ang duwalismong ito, sa kahit saang
lugar na may state sponsorship sa art activity o di kaya artistic achievement. Ang
National Endowment for the Arts ng Estados Unidos, halimbawa, ay nananatiling
isang contentious na programa na pinaglalabanan ang control ng mga konserbatibo
at ng mga liberal sa naturang bansa. At dahil kadalasa’y liberal ang arts sa
Estados Unidos, di nakapagtataka na ang mga sigaw ng pagbuwag ng NEA ay
nanggagaling sa mga konserbatibo.
Ngunit
sa bansa natin, may isa pang duwalismong nangingibabaw maliban doon sa pagitan
ng mga artistang maka-estado at artistang libertaryano. Sabi ni Ka Jonathan,
“correct me if Im wrong, pero maraming National Artists na di kilala ng
ordinaryong tao. Mas kilala si Justine Bieber at Mommy Dionesia (Pacquiao).
Bakit kaya, ano ang problema?”
Nung
sinabi ni Ka Jonathan na kailangan ng bansa ang pagpapalawig ng arts education
sa mga eskuwelahan at sa exchange ng mga artists at art lovers, nasagot na niya
mismo ang sarili niyang rhetorical question na ito na kahawig nung tanong ni Ka
Buds. Ang isyung ito ay tumatalakay sa duwalismo, o polarity, na namamagitan
hindi lamang sa gitna ng mga maka-estado at libertaryano kundi rin sa gitna ng
mga may nalalaman at walang masyadong alam. Pinalawig ko ng kaunti ang argumentong
ito ni Ka Jonathan, para sa tenga ng iba, ng ganire:
“Oo, Ka Jonathan, ang national artists ng masa at national artists ng
elite ay nagpapakita lamang na hindi iisa ang nation natin. Makikita mo na
walang ganung pagkakaiba, sa gitna ng mayaman at mahirap, sa mga bansang iisa ang
kultura, at ito’y dahil sa pantay-pantay na edukasyon o oportunidad sa
edukasyon. Tulad ng Japan, halimbawa.”
ANG (DI-)PAGHUPA NG LABU-LABO
Bakit ba naisip ni Ka Simkin ang ganitong
survey posting? Marahil dahil sa may naririnig na siya sa paligid na mga mungkahing
i-abolish na nga ang NAOTPA.
Abolish? Bakit? Pa’no pa tayo magkakaroon ng great names sa dingding at
kisame ng ating mga maka-sining na isipan kung itatapon na ito sa basurahan?
Subalit, teka. Ang daming great names sa arts na hinahangaan natin,
maging dito sa ating bansa o sa ibang bansa. Marami sa mga banyagang great
names na hinahangaan natin ay walang "National Artist Award" sa
kanilang bansa, at tila hindi nila kinailangan.
I say let us be men and women of artistic success, thanks to the national market, rather than men and women of artistic success, thanks to the State! Dahil hindi kaya na ang dahilan kung bakit nagbibigay ang state ng isang national award (actually isang state award) ay para mapag-isa niya ang isang nasyon na alam niya ay hindi nagkakaisa? Plastik, kung ganun.
I say let us be men and women of artistic success, thanks to the national market, rather than men and women of artistic success, thanks to the State! Dahil hindi kaya na ang dahilan kung bakit nagbibigay ang state ng isang national award (actually isang state award) ay para mapag-isa niya ang isang nasyon na alam niya ay hindi nagkakaisa? Plastik, kung ganun.
State
awards are a State’s affirmation of value. To a nation, folk singer-songwriter Gary Granada's efforts
to infuse his personal and aesthetic values into the culture of his people, for example, might be the more noble, the more nationalistic product, no, popularly noble and nationalistic product as against the exclusively noble and only quasi-nationalistic product. Unless, of course, we define “noble” from the royalist perspective or metanarrative, which would be
the perfect rationalization for the elitism in our nation’s supposedly “national”
arts.
At kung babalikan ko lang ang tinalakay nating goals o objectives ng mga
ganitong award na may adhikaing pang-lipunan kuno, tingnan na lang natin ang
Palanca contest. Nagkaroon ba ng literary culture ang buong Pilipinas dahil
dito? Hindi. Dahil plastic ang mga ganitong paraan. Hindi tayo magkakaroon ng
national pasalubong kung hindi ka magtatayo ng real-life doughnut shops sa
bawat kanto at magbibigay ka lamang ng Best Doughnut Award para sa produktong
hindi pa nakikita kung kaya’t di maapreciate ng tao. Hindi national bookstore
ang National Bookstore kung wala itong virtual monopoly sa pagtitinda ng
notebooks at tech pens at Grumbacher oils at binigyan lamang ng award kahit
wala ito sa mga paborito nating malls. Sa ngayon, may dibisyon sa pagitan ng elite na nakakikilala sa mga artistang naparangalan at ng nasyon na walang kaalam-alam.
Magiging patuloy na huwad ang lahat ng bagay na itinuring nating “national”
hanggat di natin natatanggap itong dibisyon at pagkakaiba.
Wala naman kasing masama sa
division at difference kung hindi ito itatago, at i-aacknowledge na nariyan, at hindi
ituturing na negatibo kundi positibo. Ang problema natin ay pag may nagsasabi,
sa ngalan ng pagkakaisa, na ang gusto niyang si Chick Corea ay dapat
papalakpakan din ng mga mahilig sa death metal o fliptop. Pag ang ganitong
attitude ay nasa national scope, mas sakit sa ulo, dahil siguradong may aangal
sa pandidikta.
Subalit,
teka, sino ba ang nandidikta?
May nagsasabi na kapag pribadong award body, ang
mga desisyon nito tungkol sa award ay prerogatiba ng pribadong institusyon,
hindi pandidikta. Matatawag mo lamang na pandidikta kung galing sa estado, sa
simpleng dahilan na ang mga galaw at desisyon ng estado ay pinopondohan ng
buwis ng tao at ang pagbayad ng buwis ay idinidikta sa tao bilang obligasyon nito.
So, hayaan na lang ba dapat na private institutions na lang ang magbigay
ng art awards tulad ng Carnegie Art Award, o ng architecture prizes tulad ng
Pritzker Architecture Prize? Dahil, oo nga naman, hindi magandang tingnan na
ginagamit ang public fund para sa state patronage ng mga arts people. Ang Sweden
nga na isang constitutional monarchy ay pinauubaya ang mga ganitong awards sa
mga private institutions tulad ng Nobel. Bakit ba napaka-government-obsessed o
state-reliant nating mga Pinoy, e alam naman nating divided tayo at
multicultural at di magkakaisa sa iisang taste dictum, lalo na kung taste dictum galing sa Estado?
At bakit nga naman kasi kailangan pa ng garbo tulad ng
free hospitalization para sa awardees, e may kaya na naman ang karamihan ng
nanalo at naparangalan? Samantala, ang majority ng Pilipino (at Pilipinong
artists) na nagbabayad ng cultural tax ay di kaya magpaduktor. Ironic. Tila mas
royalista pa tayo kaysa sa mga Swedish. . . .
There are actually presently two competing powerbrokers in the arts—the State, on the one hand, and the private art industry, on the other. Some artists get patronage from both, others sa isa lang. Ako, bilang ordinaryong miyembro ng audience, nagbabayad ng ticket para ma-entertain ng private art industry, at nagbabayad ng ticket at nagbabayad din ng buwis para ma-entertain ng State art industry. Nga pala, bilang makata, nagbabayad din ako ng buwis para suportahan ang mga kapwa ko makata na ini-sponsor ng State.
Hindi
kailangan ng NAOTPA para may tingalain tayong mga artista ng nasyon o bayan.
Walang national artist award si Picasso o si Ezra Pound o si Sid Vicious. In
fact, it has been a reliance on such plastic contrivances of national valuation
that has led us to ignore what is really needed para tingalain ng nasyon o ng
bayan ang mga kahanga-hangang gawa ng ating mga artista.
In fact, mayroong ebidensya na walang nagreresultang totoong pagtingala
ang nasyon sa mga National Artists dahil naituring
silang National Artists. Halimbawa, marami akong kilalang nakakikilala sa
pangalan ni Jose Garcia Villa at pumapalakpak sa pangalan niya (proud sila na
may isang Pilipinong nagtagumpay sa larangan ng pagtula na tulad ni Villa) kahit
wala ni isang tula mula kay Villa pa silang nababasa. Ganun ang kulturang
nabubuo ng isang plastik na pagiging maka-nasyon, o sa plastik na pagturing sa
isang artista bilang artista kuno ng nasyon.
Maganda
ang naidudulot ng NAOTPA sa mga naparangalan nito in terms of adulation. Ngunit ang
tanong ko uli: maganda ba ang naidudulot nito sa “nasyon” na siyang salitang
ginagamit sa titulong ito? Ang tanong ko uli: nauuwi ba ito sa pasilitasyon ng
pagbabasa ng mga nobela ni F. Sionil Jose o hindi? Pumapalakpak ba ang nasyon
sa pangalan ni Jose kahit wala pa itong nababasang nobela niya? Kung gayun,
walang saysay ang investment na ito.
In contrast, walang National Artist of the Philippines Award si Granada. Ngunit kanino ang gawang mas kilala
ng nasyon, ang sa kanya o ang mga nobela ni Jose? Sa tingin ko mas laganap ang
pagkakilala sa ilang mga awitin ni Granada, bagamat hindi gano'n kalaganap dahil indie ang
production niya, hindi major-record label produced and marketed, major-label
distributed lang kung minsan. Sa case ni Jose, mababaw ang appreciation ng
nasyon sa art ng nobela, kahit pa sa akademismo ng mga estudyante ng mga akademya. . . .
Gary Granada |
So, mayroon
kayang mas makahulugang investment ang estado kaysa sa mga gimmick tulad ng NAOTPA? Oo naman. Unang-una, nasa kaniya
na ang kapangyarihan na humubog ng kurikulum sa edukasyon. Ituturo niya ba ang
mga elemento ng arkitektura o ituturo lang niya ang mga pangalan ng mga
dakilang arkitekto sa pamamagitan ng awards? Bilang taxpayer, doon na ako sa
una.
In contrast, “In Japan,” commented painter Marcel Antonio, “there's no
confusion when someone is declared a Living National Treasure. The award
carries with it a sense of protecting or preserving a techne that embodies what
is essentially and quintessentially Japanese, in the same way nature is
preserved from extinction. It is the technique of pottery, a way of doing
things, an ethos that is glorified, not
the individual artist himself/herself.”
At sino ba itong mga pinarangalang mga National Artists sa taong
ito? Ano ang techne na ginoglorify sa pamamagitan ng paghirang sa kanila? Ano
ang value ng mga techne na ito sa nasyon?
Si
Gat Cirilo Bautista ang isa sa mga pinarangalan ngayong taon. Isa rin siya sa iilang
Pilipinong makata na maituturing kong may malaking impluwensiya sa sarili kong
pagsulat ng tula, whether he’d like reading that pronouncement or not when he reads it. Sa valuation ko, isa na siyang national artist sa Jojo Soria de
Veyra Nation. Sige, bibigyan ko pa ng capital letters ang “national” at ang “artist” title niya sa republika ko. Subalit, ito ang isyu ngayon: nung magpunta ako kanina sa palengke at bumili ng
kalahating kilong manok, at ibinalita ko sa suki ko na nagawaran na nga ng National
Artist of the Philippines Award si Gat Bautista, tanong ng suki ko: “ha?
sino? Sino yun? Ano ba yang national artist reward na yan?” So much for
national artists of nations.
Kung may hangad akong karangalan para sa mga idol ko sa poetry o sa painting o sa music o sa architecture, para sa akin ay mas malaki at makabuluhang karangalan ang makita ko ang mga pangalan nila na kasali sa mga kinover ng textbooks kaysa sa makita ko lang sila sa roster ng NAOTPA na di makikilala ng tao o di maiintindihan ng tao ang kanilang cultural at aesthetic value.
Kung may hangad akong karangalan para sa mga idol ko sa poetry o sa painting o sa music o sa architecture, para sa akin ay mas malaki at makabuluhang karangalan ang makita ko ang mga pangalan nila na kasali sa mga kinover ng textbooks kaysa sa makita ko lang sila sa roster ng NAOTPA na di makikilala ng tao o di maiintindihan ng tao ang kanilang cultural at aesthetic value.
“Dito
sa atin,” comment ng artist at gallery owner na si Ka Alfredo Liongoren, “dahil
na- Hollywoodized ang kukuti natin, ginawa nating STAR ang mga may katangiang
EHEMPLO NG LAHI, deviating attention away from their virtues for emulation and
focused instead on their persons. We’ve cultivated a personality cult which has
endorsement value for consumer products.”
Tumpak. Parang ganun din yata sa industriya ng pulitika natin.
ANG
MANANALO SA LABU-LABO
Ngayon, sa kalagitnaan ng mga comments sa post ni
Ka Simkin, napansin ni Ka Simkin mismo ang mahigpit na labanan ng YES at NO
votes.
Ang sabi ko, “Ka Simkin, I predict that the negative (NO to scrapping) vote
will win. We have always been a socialist nation desirous of state
interference. Until the day, of course, the state interferes with our art. Even
then, baka hindi pa rin.”
At doon naman sa mga bumoto ng MAYBE, di ako naniniwala na kulang sila sa pusong-pakikialam sa mga laban ng bayan. Di naman siguro. Paniniwala ko’y di
lang nila na-re-realize na galing sa kanilang ipinagkait na buwis ang pinag-paparty
ngayon ng isang winner na ipinambili nito ng Cristal. They must know that this
is a major concern to them as far as their 20% income tax payment and
movie-ticket cultural tax payment, not to mention 12% VAT payments, are
concerned.
Now, the reason why I predicted a win for the NO-to-scrapping-the-NAOTPA
vote is because matagal ko nang nakikita ito sa kahit saang probinsiya man ako magpunta.
Ayoko sanang maniwala na damaged ang culture natin pag banyaga ang nagsasabi,
subalit may damage akong nakikita sa sarili kong mga mata sa pananaw pa lang
natin sa konsepto ng demokrasya. Sa aking mga nakikita, ang demokrasya sa
marami nating kababayan ay “ang kalayaan kong magsalita na dapat wala
sila.” Ibig sabihin, “dapat ako lang ang may kalayaang magsalita at
mapakinggan, wala akong responsibilidad na makinig sa ibang nagsasalita.” Marami sa ating mga kababayan ang may ganitong sakit.
Ganito
rin tila ang anatomya sa paniniwala ng maraming artists na galit na galit sa
gobyerno pag walang suporta itong ibinibigay sa propesyon ng sining o ng
artista o sa taga-sining o artista na idols nila. Maliban sa wala
silang pakialam sa pagkawalang-suporta rin ng gobyerno sa ibang malayang
propesyon, halimbawa sa propesyon ng panadero o ng karpintero o ng accountant
o ng welder, marami sa kanila ang naniniwalang mayroong obligasyon ang
gobyerno sa kanilang practice. Ito lang ang problema: kapag pinauunlakan sila,
sila'y nagiging masaya; subalit kapag iba ang napauunlakan, ipinahihiwatig nila
na di nila maintindihan kung bakit iba ang napaunlakan. Ito ang problema sa likod ng walang-katapusang gyera ng artists kontra artists sa ating bansa.
Ito
ang puno't dulo ng isyu kung bakit hindi dapat nakikialam ang estado/gobyerno
(gamit ang buwis na pera galing sa lahat) sa propesyon ng ilang artista o sa
pag-value o di pag-value sa kanila. Hindi ito dapat nakikialam sa
propesyon nila, tulad ng hindi nito pakikialam sa propesyon ng mga nagluluto ng
adobo sa carinderia ni Aling Nena at sa sabungan ni Mang Kepweng. . . .
“Hay,” sabi ko, sa aking pagbuntong-hininga. Gayunpaman,
ako'y susunod sa prinsipyo ng demokrasya na nagsasabing ang boto ng nakararami
ang masusunod. Kung gusto ng nakararami na bumoto sa pagkain ng tae habang
nagrereklamo sa amoy nito sa bibig, wala akong magagawa kundi respetuhin ang
kanilang piniling buhay, kahit pa sikreto kong pagtatawanan ang damage sa
lohika ng pinili nilang buhay-gyera. [JSV]
- photo kay Cirilo Bautista hiram galing sa http://culturalcenter.gov.ph/press-room/2012-gawad-ccp-para-sa-sining-awardees-named/
- photo kay Gary Granada hiram galing sa http://www.pep.ph/news/20768/gma-network-and-gary-granada-issue-new-statements-over-jingle-controversy