Friday, October 13, 2017

Siyempre wala

photo from

ANG problemang trapik sa Metro Manila ay problema ng tao, hindi kotse. Mantakin mong napakaraming meyor ang nag-dedecide tungkol sa traffic flow at traffic harbingers sa metropolis na ito at kailangan silang konsultahin lahat ng MMDA at sumang-ayon sa bawat panukala ng nasabing ahensiya.
    Iisa lang ang meyor ng New York City at mas malaki ang land area ng New York City (hindi pa kasama ang water area) kaysa sa total area ng buong Metro Manila! Matrapik din sa New York City, ngunit walang napakaraming meyor na kailangan konsultahin at kumbinsihin.
    May gagawin ba si Presidente Duterte o ang Konggreso sa problemang ito? Siyempre wala! [S / -I]

Wednesday, October 11, 2017


photo from

KOKO PIMENTEL to 2016 losers: Move on, Duterte is our president up to 2022. Pimentel said this in reply to rumors about an oust-Duterte campaign. . . .
    Well, it would seem with this that Pimentel is not interested in introducing a bill that would create a law for the conduct of a recall election for any president, or calling for a charter change to a parliamentary system with a regular vote-of-confidence call, as he did not mention any of these in his critique as possible options for the future, a future freed finally from the dictatorial tendencies of our presidential system.
    It would also seem that Pimentel is intent on merely preaching acquiescence to all the whims of an elected official within his term, and on preaching as well the ideal that all the people can and must do is "move on", that is to say, take all the blows when they don't like what their president is doing anymore, likely believing perhaps that the people's mistake at electing that president can only be their punishment---thus his sermon practically saying we must allow a president to do as he pleases with the nation and country he was elected to be the sole brain of for a term, with nary a complaint from us towards any form of bloodbath this president might be imposing.
    If I got Koko Pimentel correctly with this reading of his statement, then I would be inclined to believe in his idiocy towards the concept of democracy. I wonder if his version of democracy is what informs the "Demokratiko Pilipino" phrase in his party's name, Partido Demokratiko Pilipino. He might be reminded that "revolution" is part and parcel of the demos + kratos (democratic) concept, if demos + kratos is to be clarified to his kokote (grey matter) as "the people's rule". Otherwise, he would be well advised to change his party's name to Partido Dutertards ng Pilipinas. [S / -I]

Wednesday, October 4, 2017



ENOUGH already with this propaganda crap shit that argues thus, to brainwash us all into the supposed virtue of leaderism:
    "Magpasalamat kayo dapat sa amin kaysa mag-criticize sa War on Drugs kasi nakikinabang din kayo sa new peace and order situation. Huwag maging ingrato."
    Unang-una po, criticizing a manner of fighting the illegal drugs industry is not necessarily a criticism of the overall rationale for fighting the illegal-drugs trade. . . .
Pangalawa, pointing out consequences of a certain manner of fighting the illegal-drugs trade may be meant to be corrective for that fight, not destructive to the same. . . .
I hope malinaw/maliwanag.
In short, magpasalamat dapat tayo sa kritisismo sa mga prosesong ginagamit sa War on Drugs dahil ang mga kritisismong ito ay maaaring makatulong sa paghubog (o pagpanatili man) ng isang magandang imahe para sa giyerang ito; ito ang imaheng makapagbubuklod sa lahat ng ayaw sa illegal drugs.
Conversely, ang pagiging averse sa kritisismo ay pagsang-ayon sa konsepto na dapat sumunod na lang ang lahat sa iisang matalinong nag-iisip na hari para sa giyera "niyang" ito, kahit pa nakikita ng marami (o ng iilang kritiko) na ang proseso o metodolihiya ng hari ay nakasisira sa sarili "niyang" giyera.
Unless of course ang totoo ay hindi seryoso sa pagpuksa sa illegal drugs ang giyerang ito at may ibang objective, say, creating a culture of fear lamang for the attainment of an obedient (because frightened) nation, in which case dapat natin maintindihan kung bakit tila may bersyon na marahil ay anak ng isang aversion sa kritisismo na may pagkiling din sa isang vozhdist o messianist na uri ng gratitude. [S / -I]

Wednesday, April 26, 2017


ALL these environmentalist posts I made yesterday on Facebook, of the YouTube videos above profiling this year's Goldman Environmental Prize awardees, could perhaps together have acted (qua posts/shares) as also my way of explaining to my Facebook friends why I cannot be for the Bongbong Marcoses and the Mar Roxases and the San Miguel Corporation-backed Grace Poes of this world, and why I cannot be a loyalist of any of them, unlike some of these Facebook friends of mine. And I said I'm sorry.
    That non-partisan, anti-loyalist rationale behind those Facebook posts is perhaps also what's behind my belief that says the Duterte government's support for, on the one hand, Gina Lopez and, on the other hand, Bongbong Marcos, is really nothing more than a fragment of Rodrigo Duterte's Big Tent ploy to get contending forces everywhere within his government to fight it out. And they will continue to fight it out from within that Big Tent while he, the President, dangles to all of them bits of promises in order to keep them all within his side of the fence and still in line, so he can do whatever he wants from that secret of a soul that he has unimpeded by any real opposition, if ever there is going to be much of an opposition left in the landscape. That belief of mine continued in telling my friends that this Big Tent ploy will certainly unravel in the end, but also that the pessimist in me senses that that unraveling is not likely to happen anytime soon, despite changes in the Cabinet which were minor. So, the Bongbong Marcoses and Gina Lopezes operating within such Big Tent governments as Duterte's will continue to fight it out from within, while the Dutertes of those governments laugh all the way to the (seas') horizon to meet the oncoming realization of their utopias.
    From my point of view, those imminent utopias today are going to be our dystopias tomorrow. Our dystopias. Mine, and my friends' too, whichever loyalism now they happily belong to. [S / -I]

Sunday, April 23, 2017


Isabel Magkoeva, a Russian political activist and socialist opposed to strong leaderism in her country. (Photo grabbed from

WHAT kind of leaders are our politicians and those leading government institutions? Well, I'd venture to say that probably 99% are leaderists, Vozhdists.

But before that, we should congratulate Turkey for voting for a dictatorship constitution that emulates ours, and winning. Welcome to the club, Turkey!
    Well, everywhere you look these days, nations are all agog to see the fruits of leaderism.
    Are armies ever going to emerge to resist the trendy global rise of leaderism? As of the moment, I doubt it.
    So, back to our original question: How many Filipino politicians and government institution leaders are displaying a voice against leaderism?
    That is, of course, a statistical question, the statistical data for which would be hard to come by.
    But there are ways of proving the possibility of the number that purports to be the above conclusion, 99%. We can start with a backyard scan of, say, . . . how about a government institution with a reputation for independence? The University of the Philippines? You okay with that?

Incidentally, ever heard of the rumor that the UP is going to bestow on Rodrigo Duterte an honoris causa?
    Talaga? Wow.
    Pero, hoy, teka muna. Ano ba ang honoris?
    A better and more specific question would be: sino ang mga naghonor sa hohonorin ng honoris causa na ito?
    Sabi at tanong ko pa nga sa anak ko na nag-graduate sa junior high with honors: "anak, nakuha mo ang honors na yan dahil sa dunong na nakuha mo at sa pagdisplay mo ng dunong na iyon. Ngunit sino ba ang mga kasabwat mo sa pag-absorb mo ng dunong na iyon? Sino silang mga pumapalakpak sa display na iyon?"
    "Isaisip mo," tuloy ko, "na ang honor ay nag-pre-presume ng existence ng isang hinonor at ng isang nag-honor o mga nag-honor."
    "Kaya," sabi ko, "pasalamatan mo hindi lang ang gods (o si God) kundi pati rin ang mga nagbigay ng honors (o nag-honor) sa iyo, silang mga naghonor sa honorable display mo ng dunong na tinutukoy, dahil malamang sa kanilang pagsusumikap din naman nanggaling ang mga bagay na iyon na na-absorb mo at siyang naging honorable dunong mo. In short, kasabwat o kasama mo sila sa achievement na ito."
    "Uhuh," sabi niya, sabay ngiti at kamot ng ulo sa sermon ko.
    Ngayon, mga anak, pag-usapan na natin ang honoris causa. Hehehe, sermon na talaga 'to.
    Maganda lang naman na malaman natin kung sino-sino ang mga nagbigay ng honoris causa sa isang tao at bakit. Kasama yun dapat sa kasaysayan ng isang honoris causa. Dahil malamang ay sa kanilang pagsusumikap din naman nanggaling ang pag-"honoris causa" na ito sa isang tao na inabsorb lang din naman ng mga ngiti ng tao na ito, totoong honorable man siya ayon sa mga naghonor sa kanya o hindi. Kailangan isaisip na ang honoris causa ay hindi lang dahil sa "achievement" ng isang tao, ano man iyon, kundi rin dahil sa mga kasabwat o kasama niya sa isang institusyon sa pagtukoy at pag-validate sa "achievement" na ito, ano man ito.
    Ang honoris causa ay tagumpay hindi lang ng pinarangalan, sino man siya, kundi rin ng standards ng mga nagsukat at pumalakpak, sino-sino man sila.
    "Hindi ako Duterte, Pa," bulong ng anak ko.
    "Alam ko," bulong ko pabalik. "Ginagamit ko lang ang honors mo sa aking alegorya tungkol sa isang suspect na honoris causa. Okey lang ba?" :)
    "Gets ko naman yun, ikaw naman," sabi niya.

Sorry, we got waylaid there. Back to our question and hypothesis: What kind of leaders are our politicians and those leading government institutions? Well, I'd venture to say that probably 99% are leaderists, Vozhdists.
    On second thought, I think we were lucky to have been waylaid there, for it got us to an incident which probably amply proves our number, if you can put two and two together.

5. Leaderists! Leaderists! Leaderists! Leaderists! . . . [S / -I]

Thursday, April 13, 2017

Holy Week Issue

A social media post reacting to a PR firm's "win a date with Sandro (Marcos)" promo that resulted in a backlash against deniers of post-Proclamation No. 1081 atrocities/abuses. Photo grabbed from

DIYOS ko. Holy Week na Holy Week ay gusto akong hatakin ng isang tarantadong Marcos loyalist sa debate tungkol sa katotohanan ng mga nakasulat sa mainstream History tungkol sa Marcos martial law atrocities at abuses. Gusto niya akong hatakin sa kanyang alternative facts. Ano ang tingin niya sa akin, tangang isda na papatol sa bulateng pain niya? Hindi ako hangal na kakagat sa gusto niyang mangyari, na ako ay magalit at maglitanya tungkol sa maraming facts ng kasaysayan at tuluyan na ngang mailagay niya sa posisyon ng may burden of proof na siya ngayong magpapatunay na totoo nga ang lahat ng detalye ng History na binanggit ko. At sa bandang dulo, may alas siyang itatapon sa mesa na magtatanong sa akin kung sigurado ako sa aking mga facts at kung ilang units sa History ang nakuha ko sa kolehiyo at sa kung saang paaralan, and so on. Trial niya, at History ang nasa defensive sa aggression ng kanyang confirmation bias. Hindi ako mangmang na kakagat sa gusto niyang mangyaring ang History ang mailagay niya sa gitna ng kanyang dakilang imbestigasyon.
    Pren, sasabihin mo, pero di ba dapat ding mailabas ang katotohanan? Totoo, dapat ilabas ito. At sasabihin ko sa iyong ilabas mo ito sa madla. Subalit dapat mo ring malaman na walang patutunguhan ang pakikipagdebate sa deniers ng anumang kasaysayan, dahil sa either of two reasons lamang. Ang one of the two reasons, malakas ang paniniwala ng isang denier sa kanyang sariling bersyon ng katotohanan, kung kaya’t wala kang mararating sa iyong mga facts. May mababali ka bang relihiyosong malakas ang paniniwala sa kanyang relihiyon o bersyon o konsepto ng Godhead or Godness? Wala. The other reason, mayroon siyang motibo. Kung kaya’t ikaw ang paglalaruan niya. May makukumbinse ka bang isang tao sa prinsipyo ng katotohanan kung alam niya rin naman ang katotohanan at alam din niyang nagsisinungaling siya sa ngalan ng kanyang mga sikretong motibo?
    Wala akong oras makipagdebate tungkol sa katotohanan sa mga taong either may malakas na paniniwala sa kanilang bersyon ng katotohanan, at di kailanman makukumbinsi ng anumang ibang bersyon, o dili kaya’y may suwapang na motibo sa likod ng kanilang mga salita, at di kailanman magpapatinag sa talino ng anumang may saysay na interpolasyon.
    Kung mag-aaksaya man ako ng panahon sa kanila, hindi ang isyu nila ang papatulan ko kundi ito—sila, bilang ang isyu. Itatanong ko sa akademya ng tao, sa bawat nakikinig na may sariling isip, kung ano ang interes ng isang tao sa isang kasaysayan. Bakit niya ba kinikuwestiyon ito? Ano ang motibo niya? Maganda kaya ang motibo niya o hindi? Kinukuwestiyon niya ito sa ngalan ng ano? Sa ngalan nino? Sa ngalan ng anong korporasyon o paksyon pulitikal? At kung sasabihin niyang pure ang kanyang motibo at walang halong selfish interest, dapat ba siyang paniwalaan? Ano ang power o supremacy na makukuha niya sa pagkapanalo ng kanyang metanarrative?
    Para sa akin, sapat nang malaman na natural lang sa isang apologist ng dictatorial system at militarismo na maghanap ng isyu tungkol sa kasaysayan ng anumang dictatorship at militarist rule. Sapat nang malaman na galing siya sa isang pamilya, barkada, ethnic o linguistic group, o anumang sistema ng groupthink, na nakinabang o makikinabang sa sistemang diktadurya o militarista, para maliwanagan ako sa tunay na dahilan sa likod ng kanyang behavior o mental anatomy bilang isang denier.
    Uulitin ko. Sa harap ng mga taong ganito, pipilitin kang hatakin sa isyu nila, kung saan ang History ang magiging isyu. Subalit ang isyu ay SILA at ang MGA MOTIBO NILA. Kung may pagdedebate, dapat ito umikot sa pagkatao, o sa mga facts and figures sa likod ng pagkatao, NILA. Take it from there. . . .
    Hay, sus. Pasensya na, mga bes, at binulabog ko ang Holy Week niyo. . . . Pero, on the other hand, baka Holy Week issue rin naman ‘to. Di nga ba’t may mga denier din dyan na nagsasabing mas mabuti ang naging kalagayan ng Ancient Israel sa pamamalakad ng Roma, o na si Satanas ang tunay na maka-kapayapaan dahil hindi niya hahayaan ang mga sakuna? Well, wala namang masama sa pagkuwestiyon sa anumang mga detalye ng kasaysayan o ng mitolohiya per se. Ang masama ay kung ayaw mong isama ang sarili mo sa imbestigasyon, kahit ikaw ang may dala ng mga kuwestiyon. Pag ganito ang nangyayari na hinahayaan natin ang imbestigasyon sa anumang teksto nang walang pag-iimbestiga sa masama o mabuting motibo ng kumukuwestiyon, may mga rewriting na nangyayari at nagtatagumpay nang ganun-ganon na lang. Tulad, halimbawa, yaong pagkarewrite sa kuwento tungkol kay Maria Magdalena upang palabasin na siya ay nagbagong prosti at hindi babaeng disipolo ni Hesus na ka-lebel, kung di man mas mataas sa lebel, nina Pedro. And for what motive? To deny women the priesthood? Go, take it from there! [S / -I]

Tuesday, April 4, 2017

Duterte-phobic Notes of the Week

1. ONE basic thing you need to know about history deniers, fact deniers, fake news writers, and their ilk. They will name anything and anyone as a case to study and confront so to avoid focus on themselves. Don't fall into this trap. They are the cases that you need to examine and confront! The focus ought not to be on anything or anyone other than them! They are the basic issue! Expose everything there is to know about them!!

2. Degrees of Corruption
    True, if you're a media or religious institution or persona fixing every now and then the function of your privilege in order to serve the interests of holding companies or specific corporations or of political factions, you deserve to be called corrupt by the President of the State.
    Then again, if you're a President of the State who has devoted himself to the facilitation of another state's natural resource and market interests in this state, you are not just displaying corruption of the third or second degree, but absolute treason being committed by no less than You as the leader of the government of this State. That is corruption of the supreme or highest universal degree.

3. Planning a Novel
    What if I explore this premise for a novel's plot?---
    The 21st century. China would only have to look at its history where, once upon a time, there was this British-instigated Opium War against it designed by Britain to get its silk, porcelain, and tea. In that looking back would be born enough inspiration for a now-rich China to plan a 21st-century fear-farming War on Drugs false flag on a neighboring state. They will have to do this through---or care of---a potential puppet in that state that they can sponsor and install as that state's new leader. Once installed, that leader can farm all the fear he wants through that new "Opium War", through which fear-farming the leader can facilitate China's slow and smooth entry into the state to get that neighboring state's not just silk, porcelain and tea but resources more precious for a hefty harvest. Does that sound like a good plot for a fiction novel to you? Or would I be plagiarizing life for a historical one?

4. In the Era of Simplified Psychometrics
    Garth Jowett and Victoria O'Donnell have provided a concise, workable definition of the term "propaganda," viz., "Propaganda is the deliberate, systematic attempt to shape perceptions, manipulate cognitions, and direct behavior to achieve a response that furthers the desired intent of the propagandist."
    Following that definition, it should be easy for us to see why government would be busying itself presently with the labeling of everyone in the divided opposition as "bobos" (stupid people), most especially the Vice-President in recent days.
    Is the intent of this propaganda move to shape the manipulable public's perception that it is the critics of this government's policies who are bobo, in order to hide its own series of boo-boos?
    Is it to manipulate cognitions that everything that it is doing is the smart thing, if not the only smart thing, which process of manipulation may involve the hyping up of the truly smart it's done and hiding beneath the quilts all the stupid moves it had committed?
    Is it to direct behavior towards a derogation of critics and the celebration of this government's being supposedly revolutionary?
    I think we're all intelligent enough to know when propaganda is twisting us or sucking us in. Or are we?
    And if we are and suspect we are being sucked into it, how do we fight it? Do we fight by throwing the same techniques it is using? Or do we fight it by exposing its lies? By exposing all the truths behind its lying?
    Do we expose the whole anatomy of processes in its propaganda that aims to "achieve a response that (will further) the desired intent of the propagandist"?
    What are those desires?
    Are we as a nation intelligent enough to in turn desire answers to these questions? Or are we truly bobos enough to desire nothing, to simply wallow in never-ending trust?

5. THE argument that says Duterte's spitting on due process ought to be thanked because the drug pusher and his addicts that used to be the kings in one's neighborhood are now all gone . . .
    is no different from the argument that says Hitler's regime should be thanked because it furthered the popularity of Wagner.
    Or don't you see the similarity? If you don't, well, . . . perhaps you never will.
    Perhaps you never will see that that legitimization of Hitler by one's deep love of Wagner is the same sort of legitimization that you are placing on Duterte's aggressive wariness towards all his critics, in this republic and outside, a legitimization motored by your understandable love of peace in one particular anecdotal neighborhood.

6. UNTIL that day comes when good people in a land start invoking violence in order to protect rights, violent evil will continue to prosper in that land and in other lands. That is not inciting rebellion. That is a mere articulation of a historical truism operative among a frightened people in repressive, suspect regimes.

7. ARE we afraid? My friends: government is excited about and not wary of creating a fearful people, for the fear-farming reasons we articulated above.
    But it, government, seems to be ignorant of the fact that courage is actually 100% fear. Let us rejoice, then. For as government makes progress in creating more frightened people, its hold on the people is not strengthened, it is lessened. Fear pa more! [S / -I]

Tuesday, February 28, 2017

A Brief Deconstruction of a Drunken Logic

THE "death penalty" (already an oxymoron nobody cares to deconstruct in our drunken nation) is a direct admission of the Philippine prison system's inability to truly isolate from society perpetrators of heinous crimes. Therefore, it---as a solution to that prison system problem---makes it no different from a man's resorting to drinking wine when he can't anymore drink from his long-broken water faucet. Like Mr. Bean, this man will stupidly applaud his own newfound solution and will avoid arguments against problems that may arise from his habitual wine-drinking. Like this man, the "death penalty", in fits of beating its chest like a man excited with having found a manly solution to his stupid problem, will avoid arguments against historically-proven new problems that could arise from it---such as wrongful executions of persons adjudged as "criminals", or criminal society's countering with its own death-brandishing judgments upon all privileged. Bur even before this, like Mr. Bean, the death penalty (or capital punishment) would avoid the basic introductory question we hinted above, which asks whether death can be considered a form of punishment, or whether a dead man made dead by the "death penalty" can both be considered as one that "has been punished" as well as one now "resting in peace". If it is the death process that is actually being referred to here as the punishment and not death itself, then is it possible to have that sans the death? Thus, torture? Or should we be done with all this stupid nonsense and just call a spade a spade, so to stop all this bullshit about the death penalty being a penalty. Let's all call it what it is, the extermination of what our civilization would judge as our society's "true criminals" (some of whom may actually have logical reasons for considering our neoliberal or "jedem das Seine, mir das Meiste" civilization as criminal by itself). In which case I may be all for it, this extermination after having honestly called itself so, . . . with the hope that I won't end up like Mr. Bean or a knocked-out Manny Pacquiao after a media-publicized wrongful execution happens years from now. [S / -I]

Tuesday, January 24, 2017

A Caveat to the Global Era of Post-Truth Politics

an international magazine acknowledges the phenom
as worthy of a cover treatment

NOONG mailibing ang supposedly mga buto ni Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani mid-November, nagkaroon ng ineskedyul na malalaking rali laban dito, mainly ng mga ngayo'y oposisyon nang paksyon ng mga dilawan ng Liberal Party at ng mga pulahan ng Left na kaalyado ng Big Tent ng ruling party. Ngunit sa sidelines ay may mga nagkumento---kasama na rito ang isang Trotskyist at anarchist communist kong kaibigan. Aniya noong Nobyembre 25:
    "Mapapangiti at mapapakamot ka talaga sa salimuot ng realpolitik kung makikita mo ang mga nangyayari sa likod ng entablado. Halimbawa, ngayong araw ay may mga belated rallies sa Luneta o sa Plaza Miranda o sa Mendiola Street o sa kung saan man laban sa pagbabalik ng mga Marcos, at ang rali ngayong hapon ay pinangungunahan ng Makabayan group. Alam na natin ang conflict between the Left at ng Marcos family, obvious naman iyon, di ba? Pero mapapangiti ka sa sitwasyon na silang dalawa---ang Left at ang Marcos party---ay kapwa kaalyado ng business interests ng mga lider ng Nacionalista Party at ngayon ng Big Tent government ni Duterte, at diumano ay pareho sila mga benepisyaryo ng Generous Patronage at global neoliberal business interests ng Communist State of Imperialist China. Hehehehehehe. Sino kaya ang mangingibabaw? Ano kaya ang magiging desisyon ng kanilang mga Tatay?  :)"
    Now, of course it may be that the voice of the anti-Marcos rallyists, both from the Left-hating yellows and the yellow-hating Left, together might not reflect the majority's voice, which had yet to be polled during that period of the month and year (in lieu of an absent or inaccessible direct democracy instrument for a referendum call) on the issue of Marcos' burial post-burial. You may aver that rallies are not so much proper democracy as instruments of mob rule. But, you see, democracy also provides individuals the choice to participate or not to participate, to vote or not to vote, and only those who cry are heard. And rallies may prompt people to put up more rallies everywhere else.
    But as regards the Marcos issue or even simply the Marcos burial issue, I do not think democracy (through a majority or a minority) can help this anymore since it has not really been a conflict of beliefs on facts open to the possibility of one side being able to convince the other side of the latter's beliefs' or gathered facts' wrongness; from the git-go, this has always been nothing other than a conflict of faiths (beliefs, period) by the contending parties, faiths akin to religious faiths wherein there is no possibility of one side being able to convince the other side to change its perspective. This is a closed issue to all parties concerned that democracy can judge as a hopeless conflict that only needs a little push to be escalated to the level of war as the only resolution. According to Karl Popper, democracy requires an open society, and the Marcos issue has not for a moment been open to openness from either side.
    And, seemingly, the same might apply for many other issues under the Duterte government (care of its propaganda machine) in this same era that Donald Trump won the US elections (care of its own alt-right and neoconservative propaganda machines) and China's historical claims on the West Philippine Sea that has had an upper hand as another truth contrivance in today's world.
    Welcome to the global era of post-truth politics, the resolution for which set of problematics may not be found in a democratic battle of persuasive reasoning but in the power of propaganda to manipulate the psychology of crowds' or nations' propensity for confirmation bias as well perhaps as in the power of facilely resorting to brutal force. [S / -I]

Friday, January 20, 2017

Isang Maiksing Reminder Tungkol sa Anatomiya ng Pilipinong Botante at ang Ugat ng Abuse of Power sa Ating Bansa

ANO ang mali sa pronouncement na ito?
"Jojo, di ba ibinoto mo rin si Duterte? Tapos wala pa yatang isang buwan ay kung anu-ano na ang pinagsasasabi mo tungkol sa Duterte government na binoto mo? Kung gago nga ang Duterte government, ayon sa punto ng ilang kritisismo mo laban dito, aba, isa ka rin sa mga dahilan kung bakit ganito ang nangyari sa bansa natin under the Duterte government. Kaya ang masasabi ko sa iyo ay ito: dun ka na lang sa binoto mo, gago ka! Panindigan mo na lang, punyeta ka!! Di ka namin kailangan sa panig namin!!!"
    Obvious naman na ang nagsulat nito ay hindi bumoto o nangampanya kay Duterte. Dahil ang bumoto kay Duterte ay ganito ang isusumbat:
    "Ang problema sa atin, boboto tayo, tapos sa huli tayo ay magrereklamo. Ganun ba parati? Di ba dapat suportahan na lang kung sino man ang nanalo dahil yun ang pinili ng tao? O totoo nga bang mahilig lang talaga tayong maging parating opositor? Kaya siguro hindi umuunlad ang ating bayan."
At ngayon, ang sagot ko sa mga mungkahi na yan, na ilalatag ko ng mahaba at ng ganito:
"Ser, ma'am, ang pagkakaalam ko po, lahat po tayo ay nalalagay sa single-issue activism o single-issue politics tuwing eleksyon. At least sa case ko ganun ang tingin ko sa sarili ko bilang botante. Ibig sabihin, binoboto ko ang tao na nagmumungkahi na gagawa ng solusyon sa single issue na nasa tuktok ng aking listahan. Oo nga't marami tayong nasa ating mga listahan na di angkop sa kandidatong iboboto natin at maaaring angkop dun sa kabila, kaya lang hindi iyon ang nasa tuktok sa listahan natin, at kahit man marami tayong magkakaparehong causa sa ating mga listahan ay magkakaiba tayo ng piniling issue na ilalagay sa tuktok ng ating kani-kaniyang listahan. At dahil alam ko iyan, ser, ma'am, nung ako'y bumoto, pinangako ko sa aking sarili na hindi ako magiging loyalista ng sinumang pulitiko at ng kanyang mga pagpangako kundi ng pagtupad sa mga issues sa aking listahan. Kaya . . . dun sa sinasabi niyong pareho na dun na lang ako dapat sa binoto ko parati, nagkakamali po kayo sa inyong pag-iisip na ang binoto ko ay yung tao at hindi yung causa na nasa tuktok ng aking listahan (na maaaring tinupad niya o tinupad niya ng mali o sinuway niya o iniwan na sa daan). Alam niyo, hindi lang naman ang kandidatong binoto ko ang nangako. Ako rin ay nangako. Pinangako ko sa aking sarili na lalabanan ko ang aking piniling kandidato sa ibang issue sa aking listahan na hindi siya angkop. At, alam niyo, ganun din naman ang pinangako ko sa aking sarili pagdating sa ibang kandidato, na kung sila ang mananalo ay hindi ko sila lalabanan sa lahat ng issue, dahil hindi sila ang kinalaban ko kundi ang maraming issue na hindi angkop sa kanila. Susuportahan ko naman sila sa mga issue sa listahan ko na angkop sa kanila. Muli, . . . sa mungkahi niyo, ser, na doon na lang ako parati dapat sa binoto ko dahil di niyo ako kailangan sa panig niyo, at sa parinig ninyo, ma'am, na tila adik na ako sa pagiging kontra parati, hindi po ako pumapanig sa inyo, ser, o sa kabila, ma'am, dahil sa tao ninyo/doon kundi dahil sa causa ninyo/doon kung saan kaisa ninyo/nila ako, dahil nasa listahan ko rin ang causa na iyon. Ser, kung ayaw niyo akong tanggapin sa rally niyo dahil binoto ko si Duterte, aba, okey lang. Kikilos ako nang hindi ko kayo kasabay, dahil hindi ako lumalaban sa ngalan ng isang pulitiko kundi sa ngalan ng mga causa ko. Hindi ko kayo kaisa sa inyong loyalismo, ser at ma'am, dahil tinuturing ko ring kalaban ang anumang uri ng loyalismo sa tao o partido."
At dito ay biglang paakbay na pumasok ang aking Facebook friend na si Bert David ng may ganitong mga salita ng pagsuporta sa aking posisyon. Aniya: "Baluktot pa kasi at dapat itama ang pag-unawa ng mga kababayan natin sa kung ano ang demokrasya. Akala pa rin ng ilan, ang inihahalal sa mga eleksyon ay kundi man inihalal upang maging diyos, ay hinalal para maging hari o reyna o diktador, kung kaya't ang mga itoy ay nagiging mandarambong o manggagantso o mamamatay-tao nila. Di pa rin maintindihan na ang ibinoboto at dapat ibinoboto ay ang mga mabuting tao na makagagawa ng mabuti sa bansa at sa kapwa. At lalong di alam na sa demokrasya, kabahagi ang botante sa pang-araw-araw na pamamahala kung saan tinatalakay ang mga bagay-bagay na ginagawa para sa ikabubuti ng madla (hindi para sa ikabubuti ng mga ibinotong akala nila'y dapat lang na naging diyos o hari o reyna o diktador na naging mandarambong o manggagantso o mamamatay-tao ng botante."
    Mismo. Dahil kung ito nga ang anatomiya ng ating pagboto, totoo nga ang kasabihan na ang karapatang bumoto ng tao sa isang representative democracy ay isang karapatan nilang pumili ng kanilang susunod na magiging diktador.
Matagal ko na ring sinasabi na tae talaga ang isang purely representative democracy na walang kasama o kaakibat na direct democracy instruments para sa tao. Hindi ito totoong "demos kratos" (democracy) o people's rule, dahil madalas rito, ang ibinoto mong tao ay nandun na, nagsisimula nang umalis sa kanyang ilang mga pangako at umabuso na rin sa kapangyarihang ibinigay sa kanya at di na mabawi ng mga bumoto sa kanya, salamat sa pribilehiyong ito na bigay ng taeng pure representative democracy.
At kahit pa matagal na akong nagdadadaldal tungkol diyan, walang nakikinig sa kuto na tulad ko, dahil buo na ang paniniwala ng sambayanan na ang ating kaligtasan ay nasa mga inihahalal, mga inihahalal na sana ay maging mabuti at hindi masama. Buo na ang kanilang paniniwala na ang ating kaligtasan ay hindi nasa pagpalit o pagbago sa sistemang nagbibigay ng pribilehiyong bukas na bukas sa temtasyon ng pag-abuso. Kaya walang natututunan ang bansang ito tungkol sa kasamaan mismo ng sistemang bukas sa abuso ng masama (at ng mabuting maaaring maging masama), dahil sa kanilang malakas na paniniwala na ang taong inihalal lang ang maaaring maging masama (at mabuti), na ang taong mabuti ay di magiging masama sa loob ng ganito kalaking pribilehiyo at poder. At ako'y naging pessimist na tungkol sa future ng bansang ire na reklamo nang reklamo ngunit ayaw umalis sa sistema ng pure representative democracy na siyang ugat ng lahat ng abuse of power ng mga pulitiko. [S / -I]

Tuesday, January 10, 2017

Isang Paghingi ng Tulong ng Isang Kritiko

Angry UPLB students march all the way to the Chancellor's Office in the last semestral enrollment to denounce a flawed implementation of SAIS, an online enrollment system. (PHOTO BY CHRIS QUINTANA borrowed from

MR. PRESIDENT, anuman po ang naging batikos namin sa inyo, kaming mga mahihilig mamuna sa sistema at kultura ng gobyerno, aaminin namin na pagdating sa iilang mga bagay, tulad ng pagpapatakbo ng mga opisina ng gobyerno . . . parang dun yata kayo magaling. Sabi nila di raw ninyo tinatanggap ang anumang paliwanag tungkol sa inepesyidad. Nagngingitngit daw po kayo sa mahahabang pila ng tila primitibong sistema ng marami nating tanggapan, at galit na mukha raw ninyo ang pinapadala ninyo sa mga nagpapatakbo ng mga opisinang ito sa pagsabing bilisan nila ang paghahanap ng solusyon kung gusto pa nilang manatili sa kanilang mga puwesto. Aaminin ko, Mr. President, akong umiiling sa tila kawalan ng anumang malaking pagbabago sa kultura ng gobyerno sa ilalim ng iyong pamumuno, na may mga pagbabago rin naman tayong nasaksihan sa serbisyo ng gobyerno kahit konti, at di lang po ang biglang paglaho ng laglag-bala sa Nicknamed Aquino International Airport ang tinutukoy ko. Oo nga't may mga atungal pa rin ako at may di maawat na puna sa ilang polisiya ninyo tungkol sa government service at function, at asahan mong di ako titigil sa kaaatungal sa iba pang malalaking problema ng sistema. Subalit asahan niyo rin naman po na ibibigay ko rin naman ang palakpak sa ilang mga magagandang resultang manggaling sa inyong rehimen, at nawa'y kasama na rin dito ang sa pang-araw-araw na takbo ng buhay sa ilang mga opisina tulad ng mga kapitolyo, mga corrupt na assessors' offices, klasikong mabagal at masungit na SSS, atbp. Sa magagandang resulta na mangyayari, Mr. Presdient, may nakareserba rin naman po akong saludo para sa inyo, kung di man ito para sa buong pamamahala ninyo ay, at least, sa mga bagay na di ko maitatangging may magandang resultang nabuo. Maniwala po kayo na hindi ko pinupuna ang ilang Duterte policies dahil lamang Duterte policies ito, kundi dahil pangit ang mga ito; ito rin naman ang dahilan kung bakit hindi rin naman ako nag-aatubiling pumalakpak sa ilang Duterte policies na maganda, kahit pa man Duterte policies ito.
    Hindi ko na po pahahabain pa ang mahabang pasakalye ko, Ginoong Pangulo, at pupunta na po ako sa pakay ko. Ginoong Pangulo, kaya ko po nasabi/naisulat ang 338 words na iyan sa itaas . . . ay dahil mayroon po akong isyu na irereport sa inyo at hihingan ko ng solusyon mula sa inyo. Dahil, maniwala po kayo't sa hindi, problema po itong hindi lang di mahanapan ng solusyon ng ating matatalinong mga dalubhasang akademiko, palala pa po ito nang palala, taon-taon po. Kaya po di maiwasan ng marami ang i-apply rito ang isang folk axiom na nagsasabing "kung may problemang paulit-ulit na di mahanapan ng solusyon, tiyak may kumikita sa pananatili ng problema na iyan." Batid naman siguro natin na marami na rin ang naniniwala na ang dahilan kung bakit di masolusyunan ang, halimbawa, dapat simpleng problema lamang ng trapik . . . ay dahil (daw) malaki ang kinikita rito ng oil companies sa increase ng gasoline consumption na nagmumula sa mga gumagapang na sasakyan.
    Ngunit hindi po solusyon sa trapik ang minumungkahi ko sa inyo, Mr. President, kundi mas maliit pa pong isyu kaysa riyan. Siguradong-sigurado ako na bilang dating meyor ay yakang-yaka niyong mahanapan ng solusyon ito, dahil kahit ako po na isang ordinaryong mamamayan lamang ay tila may mga naiisip na solusyon na rin naman, kaya lamang po ay wala po tayo sa kapangyarihan at siguradong di nila pakikinggan.
    Ang tinutukoy ko po, paumanhin na lang po sa marami kong sinabi bago makarating dito, ay . . . ang malalang sistema sa mga public schools pagdating sa assessment at sa pagbabayad tuwing enrollment, kung saan ang pumipila po ng alas-4 ng umaga ay di pa nga minsan umaabot sa unahan pagdating ng alas-5 ng hapon. Hindi po ako nagbibiro, Mr. President, huwag po kayong tumawa, ser. Tanungin niyo po ang mga estudyante ng UP, ng PUP, ng Bulacan State University, o ng alinmang public university riyan. Ang logic po ng isang kritiko niyo tulad ko kung bakit sa inyo pa rin ako pumunta ay ito: Kung walang ni isang matalinong may-PhD na presidente ng pampublikong unibersidad ang tila nakakita ng solusyon sa palala nang palalang problemang ito sa ating mga public schools, aba, huwag po kayo magulat kung bakit tumatakbo po kami ngayon sa isang dating parating 75 lamang ang grado. Baka nasa inyo na po ang solusyon at hindi sa matatalinong mga gunggong na iyon. Sana nga po. Di po ako isang Mocha Uson, Mr. Presdient, ngunit di po ako mag-aatubiling pumalakpak sa inyo sa isyu na ito kung mahahanapan niyo ng agarang solusyon, as in overnight, Mr. President, dahil sa Friday na po kami naka-schedule na pumila, ser!

(panoorin ang video na ito na nagpapakita ng mahaba nang pila sa
Bulacan State U sa alas-4 pa lang ng umaga ngayong linggong ito:

    Handa ko po kayong ituring na hero sa problemang ito, Ginoong Pangulo, kung mababago niyo ang sistemang ito in three to six hours. Huwag niyo lang pong hingin na isama ko na rin si Marcos sa standing ovation na gagawin kong iyon. At kung iyon po ang hihingin niyong kapalit, pipila na lang po ako, kahit pa isang linggo. [S / -I]