Showing posts with label cultural hegemony. Show all posts
Showing posts with label cultural hegemony. Show all posts

Friday, October 24, 2025

A short, short review




photo from Rappler

I COULD research a flaw (or rumored flaw) in Leni Robredo's personality, then make a movie out of that. I could then end up hyping up, like a troll, the flaw or flaws (or rumored or speculated flaws) I uncovered in that research, couldn't I? All in the name of a "she's just human" supposed narrative statement, since I've always claimed to love her politics. End up, I said, because that film could actually drown out all the things she fought for during her presidential campaign, against all the odds (read: the entire anti-open government plutocracy and their friend, kleptocracy). Couldn't it? . . . Now, aside from the difference in their stature, Robredo is far from being a Manuel L. Quezon, and vice versa, as far as we know, and Quezon and Robredo belong to two different times in history with very different problems. I only pulled out that example with her in the above paragraph to present an argument, with which I would now want to ask this: did Quezon the film end up being an anti-left of center propaganda film that effectively trivialized Quezon's and Osmeña's nationalism against all odds (the Americans' reluctance) as well as put in the shadows the former's (progressive) policy struggles against the landlords and industrial plutocrats of his time? All in the name of putting a "focus" on a he-was-just-human supposed cinematic statement, with no intention of making it come out like a right-wing black propaganda film produced by an Ortigas and a Rocha.

(IN hindsight, did Heneral Luna the movie help make Rodrigo Duterte's "put Tang in a" glass-shattering curses come out as no more than just charming? And, looking forward, will Quezon's supposed treatment of Osmeña, as hyped up in the film, aid Sara Duterte's communication struggle against the Luzonians of our time?)


Tuesday, October 7, 2025

In the end

IN the end, all this back and forth between anti-Duterte and pro-Duterte citizens won't come out as that mid-2020s battle between supporters of ideas of good government and those conservative proponents of evil's continuance, but simply as that communication war between two parties who both tried to convince a badly educated majority that they were the ones on the side of the good. Sad.


Tuesday, January 24, 2017

A Caveat to the Global Era of Post-Truth Politics


an international magazine acknowledges the phenom
as worthy of a cover treatment

NOONG mailibing ang supposedly mga buto ni Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani mid-November, nagkaroon ng ineskedyul na malalaking rali laban dito, mainly ng mga ngayo'y oposisyon nang paksyon ng mga dilawan ng Liberal Party at ng mga pulahan ng Left na kaalyado ng Big Tent ng ruling party. Ngunit sa sidelines ay may mga nagkumento---kasama na rito ang isang Trotskyist at anarchist communist kong kaibigan. Aniya noong Nobyembre 25:
    "Mapapangiti at mapapakamot ka talaga sa salimuot ng realpolitik kung makikita mo ang mga nangyayari sa likod ng entablado. Halimbawa, ngayong araw ay may mga belated rallies sa Luneta o sa Plaza Miranda o sa Mendiola Street o sa kung saan man laban sa pagbabalik ng mga Marcos, at ang rali ngayong hapon ay pinangungunahan ng Makabayan group. Alam na natin ang conflict between the Left at ng Marcos family, obvious naman iyon, di ba? Pero mapapangiti ka sa sitwasyon na silang dalawa---ang Left at ang Marcos party---ay kapwa kaalyado ng business interests ng mga lider ng Nacionalista Party at ngayon ng Big Tent government ni Duterte, at diumano ay pareho sila mga benepisyaryo ng Generous Patronage at global neoliberal business interests ng Communist State of Imperialist China. Hehehehehehe. Sino kaya ang mangingibabaw? Ano kaya ang magiging desisyon ng kanilang mga Tatay?  :)"
    Now, of course it may be that the voice of the anti-Marcos rallyists, both from the Left-hating yellows and the yellow-hating Left, together might not reflect the majority's voice, which had yet to be polled during that period of the month and year (in lieu of an absent or inaccessible direct democracy instrument for a referendum call) on the issue of Marcos' burial post-burial. You may aver that rallies are not so much proper democracy as instruments of mob rule. But, you see, democracy also provides individuals the choice to participate or not to participate, to vote or not to vote, and only those who cry are heard. And rallies may prompt people to put up more rallies everywhere else.
    But as regards the Marcos issue or even simply the Marcos burial issue, I do not think democracy (through a majority or a minority) can help this anymore since it has not really been a conflict of beliefs on facts open to the possibility of one side being able to convince the other side of the latter's beliefs' or gathered facts' wrongness; from the git-go, this has always been nothing other than a conflict of faiths (beliefs, period) by the contending parties, faiths akin to religious faiths wherein there is no possibility of one side being able to convince the other side to change its perspective. This is a closed issue to all parties concerned that democracy can judge as a hopeless conflict that only needs a little push to be escalated to the level of war as the only resolution. According to Karl Popper, democracy requires an open society, and the Marcos issue has not for a moment been open to openness from either side.
    And, seemingly, the same might apply for many other issues under the Duterte government (care of its propaganda machine) in this same era that Donald Trump won the US elections (care of its own alt-right and neoconservative propaganda machines) and China's historical claims on the West Philippine Sea that has had an upper hand as another truth contrivance in today's world.
    Welcome to the global era of post-truth politics, the resolution for which set of problematics may not be found in a democratic battle of persuasive reasoning but in the power of propaganda to manipulate the psychology of crowds' or nations' propensity for confirmation bias as well perhaps as in the power of facilely resorting to brutal force. [S / -I]



Tuesday, July 26, 2016

HIGIT PA KAY FREDDIE AGUILAR, MAS KAILANGAN NATIN NG LAPASTANGAN NA ANAK NG NCCA




photo from http://alchetron.com/Freddie-Aguilar-122164-W


MGA ginigiliw kong kababayan, nung isilang kayo sa mundong ito marahil ay mayroon nang National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Matagal na ito. Marami nang nangyari. Di ko na iisa-isahin; kayo na ang bahalang mag-Google tungkol sa anumang pumapasok ngayon sa inyong mga alaala. Marami nang kontrobersya. Kamakailan lamang, tumaas ang kilay ninyo nang mabanggit ang pangalan ni Freddie Aguilar para maging dagdag na commissioner sa 12 commissioners ng kumisyon na nakaupo ngayon. Ito'y ayon sa kagustuhan ng bagong halal na ama ng ating bayan, Rodrigo Duterte; laking tuwa ng magulang niyo siguro nang malamang hindi ito maaari.
    Sa bandang akin, sasabihin kong higit sa isang Freddie Aguilar ay mas kailangan natin ng isang non-governmental at unaffiliated na grupo ng mga artists at kritiko na tututok sa mga pinagbibigyan ng grants noong mga nakalipas na taon nitong NCCA na ito. Ito na marahil ang maaatasan ng ating independente at malayang mga sarili upang magsuri sa mga grants na nabanggit, upang ang mga ito ay mahusgahan---mahusgahan ang pagiging klasiko at makabuluhan ng ilan sa kanila, at ang pagiging walang kuwenta o pagiging sa kategoryang nagsayang lamang ng pera ng bayan ng iba. Gawin na natin ito. Dahil hindi na dapat tinatawanan lang ang problema, at dahil dapat nakahihigit sa lahat ang tao. Sa madaling salita, gawin natin ito para sa bayan mo at bayan ko. Isang shadow NCCA committee, kumbaga.
    Ang bubuuin natin ay parang shadow cabinet sa maraming parliyamento. Kung ang NCCA ay naging diktador na ina sa atin, na nagdikta ng kanyang taste at judgment sa milyun-milyon niyang anak na nagbabayad ng buwis, aba'y ang bagong grupong minumungkahi ko na maaari natng itayo ay maaaring ituring na "lapastangan" na mga anak ng NCCA na bagamat sa unang silip ay tila'y sin-lapastangan ng industriya ng pamamahayag (journalism industry, o fourth estate) ay maaari rin namang maging makatarungan sa lahat. Ang puno't dulo nito ay simple lamang: ang bawat grant ay pera ng bayan, kung inyong maaalala. Ang bawat grantee ay pulubi, pulubing nanghihingi kay Juan at Marya de la Cruz ng pondo para sa kanilang buhay musikero, buhay pintor, o buhay anuman.
    Totoo, sasabihin ng iba na magiging produkto lamang ito ng "bitterness" ng mga di-napagbigyan ng NCCA noong nakalipas na mga taon, ng mga bulag, pipi at bingi sa mga magagandang nagawa ng NCCA. Subalit di nga ba't maganda na may ganitong opisyal na kumite (bagamat non-governmental), para may civil na mungkahi, ika nga, at may objective na boses? Ibig sabihin, magkakaroon ng pormalidad o pormal na damit ang mga kumento rito at hindi tulad nung mga dinadaan sa isang mahabang garapal na paglapastangan sa dingding ng Facebook ng bagong henerasyon. Dahil, uulitin natin, hindi lang naman magiging mandato nito ang manghusga sa mga grantee na sa pananaw nito ay walang kuwentang nagawaran ng grant, obligasyon din nitong puriin ang mga magagandang nangyari.
    At kung may lalabas mang bias mula sa isang miyembro sa non-governmental at unaffiliated na kumiteng ito, ito ay maaari ring "pansinin" ng ibang miyembro ng kumite at lalung-lalo na ng nakararami sa ating lipunan na siyang final na hurado. Dahil . . . sa issue ng mga maaaring may "bitterness" sa NCCA na miyembro ng kumite, aba---bilang boses ng unaffiliated at pribadong mga mamamayan---sino ba ang may karapatang maging bitter kundi silang mga mamamayan (artists man o hindi, cultural workers man o hindi) na habang hirap sa paghahanap ng pondo para sa sarili nilang mga ambisyon at naiisip na mga proyekto ay nakakakitang pinopondohan ang proyekto ng kanilang mga ka-kompetensiya ng isang gobyernong istriktong naningil ng buwis sa lahat? Hahayaan na lang ba nating ang boses nila ay nananatiling mga buntong-hininga na walang magawa kundi ang bumulong ng "hay, ang buhay nga naman ng taong walang pribilehiyo"? Iba na ang gobyerno, at sana'y pantay na ang turing sa mamamayang nagbabayad ng buwis at mamamayang nagpapasasa sa kabaitan ng namamahagi ng pondo galing sa buwis. At, in fairness sa kumiteng ito, hindi naman siguro imumungkahi nito na buwagin na ang NCCA, hihingi lamang ito marahil ng pagkakataon na mabigyan ng medium ang mga boses ng tao na tila walang tagapamahagi-ng-pondo-galing-sa-buwis ang nakinig noong nakalipas na mga taon.
    Panahon na. Panahon na upang magkaroon ng lapastangan na mga anak ng NCCA na magiging boses ng bayan ko at bayan mo, na magiging boses din ng mga nahusgahan ng kumisyon bilang mga walang-kuwentang mga Magdaleno't Magdalenang nagputa sa komersyalismo kuno at hindi sa kuno'y standards ng nasyonalismo o hindi ayon sa pananaw ng mga nasa kapangyarihan sa NCCA. Panahon na para may pagsusuri rin sa mga inatasan ng rehimen at estado na maging manunuri. Ito ang ating pagbabalik sa estudyante blues para mapag-aralan na ang mga bagay na sa matagal na panahon ay nagpasarap sa ilalim ng ating pagbulakbol. Sige, simulan na natin ang pag-aaral at pangungumusta sa ating mahal na NCCA, na sana'y ito ay nasa mabuti. Halina't sumabay kang manindigan para sa iyong perang binuwis na matagal mo nang sinasabing ipaglalaban mo hanggang sa dulo ng mundo. Sige nga, mga ginigiliw ko. [S / -I]