Monday, February 26, 2018

Anti-Semiotic, Ang Putik


(borrowed from httpbellyngot1.wordpress.com)

LAHAT ng bagay sa mundo ay may meaning. Kahit nga ang pambansang almusal nating pan de sal na imported mula China at Turkey ang ginagamit na arina ay isang maliit na bagay lang na may malaking meaning. Ang EdloSA pa kaya, na may kilokilometrong trapik na ngayon ay may problemang ayaw solusyunan (dahil malaki ang kinikita ng oil companies sa trapik na ito) . . . kahit pa nag-rebolusyon na sa abenidang ito ang maraming ordinaryong tao noong 1986! Diyan pa lang, may malaking meaning ka nang makikita! Kaya kung sasabihin mo sa akin na wala nang meaning ang EdloSA 1, isa kang nagbubulagbulagan sa katotohanan ng mga bagay-bagay tulad ng pan de sal. O baka naman iniiwasan mo lang ang totoo: na hinayjak ng elite, tulad ng idolo mong elite o royalty, ang naibalik na “demokrasya”. Hinayjak nila ito para hindi na ito maging mas demokratiko pa, maging sa participatory man o semi-direct na democratic direction. Di ba? Aminin. Pati ba naman ang mga meaning ay hahayjakin mo rin, tarantadong hayjaker ka. [S / -I]