Wednesday, August 31, 2011
Men of Irony (sa Buwan ng Wika)
FOR those of you who don't know who he is, Representative Sergio Apostol is that new Liberal Party balimbing who quickly switched parties in post-election 2010---when Benigno Aquino III won the presidency---from the then-ruling Lakas Kampi CMD party where he was also a recurrent lawyer for then-embattled president Gloria Arroyo. (Himself, then, as evidence of the existence of ironic twists in things.) He is also of the Waray people from Leyte province, but is no stranger to the Tagalog-speaking National Capital Region, having been a national legislator since his ruling-Kilusang Bagong Lipunan party days in the Marcos-era Batasang Pambansa. What I mean to say in this paragraph is that I don't trust Sergio Apostol when he implies, as he did last August 24, that he can neither recognize Filipino as an official language (which he never seems to have had any problem with since his early days in the legislative halls, until now) nor understand it very well. I, too, am a Waray, by the way, and---though not as intelligent as Sergio Apostol---do understand Tagalog very well.
But let's assume that Apostol speaks the truth, having myself been witness to Silliman University professors who could not speak/understand much Filipino, preferring to teach in English and sometimes in Cebuano. It's pretty common among Cebuano-language speakers to find this Tagalog-free culture among them, but must be a rarity among the Warays, who've mostly been friendly with the Tagalogs and their Tagalog radio dramas. But riding the assumption that Apostol truly cannot understand Tagalog very well would help us understand him when he tried to revive at past 5 in the afternoon of August 24 the debate or national issue around Filipino as an official language. Apostol was demanding---in English---that Representative Arlene "Kaka" Bag-ao (Akbayan Citizens' Action Party) answer Apostol's interpellation, on the pending and controversial RH Bill, in English instead of in Tagalog/Filipino. Although at first the two lawyers argued over Filipino's current position as an official language, with Deputy Majority Floor Leader Magtanggol Gunigundo (Lakas Kampi CMD) insisting that it is an official language and presiding officer Maria Isabelle Climaco Salazar (Liberal) ruling that the parties can proceed in whatever language they choose to use, and with Apostol later threatening to demand an interpreter if Bag-ao does not relent, Bag-ao did finally agree to answer the interpellation in English. But not without Apostol's stance's being called deplorable by party-list representative Antonio Tinio (ACT Teachers), which speech Apostol promptly rebutted in plenary session. (Read the ABS-CBN report here)
COINCIDENTALLY, an essay titled "Language, Learning, Identity, Privilege" was posted by Manila Bulletin Newspaper Online writer James Soriano at 4:06 AM, also on August 24. The essay would get much more notice among Facebook aficionados than Apostol's rant, I'd say with about half of its readers agreeing with the author and the other half getting quite offended.
The essay presented (once again) the reality about the English language as that language used by the privileged class in our country. But ironically also as the language of learning, as the most used language medium of education as well as in the textbook/book/newspaper/magazine publishing industries. Ironically, I say, for isn't education presumably one of the state's activities geared towards socializing learning instead of propping up elitism on a social pedestal? The real situation of the Filipino language, on the other hand, was also presented in the essay as that intra-social class everyday-medium of communication used in the streets and on free TV, but largely ignored by both the education system as well as by the law profession and the corporate boardrooms. There's another irony there, for isn't the legal practice meant to serve justice for all instead of justice for a privileged few? And isn't it funny that boardrooms argue in English over their advertising materials in Tagalog? . . . There may be questionable entries in Soriano's essay: I'd say doctors and nurses in most operating rooms actually converse in Filipino or Taglish more than in English or Englog, but I'd also say the presentation was mostly quite right on the money, especially with lines such as "(Filipino) might have the capacity to be the language of learning, but it is not the language of the learned". (Read the Soriano essay here, where it was transferred)
My friend the painter Marcel Antonio was the first on Facebook I read to be in agreement with that essay's presentation of the reality concerning our languages, even defending the essay as one that actually used the ironic stance with its doublespeak to those who he thought didn't get it. "This article, particularly the writer's unapologetic privileged positioning, will surely draw a lot of haters. What is scary, though, is he might actually be right," he wrote. Citizen journalist and freelance writer-editor Jenifer Aquino agreed that the essay was indeed a work of irony. She wrote: "It's a sarcastic note that's meant to slap all the 'feeling elite' elements in this country. Ako gets ko ... yung iba, malamang hinde. . . . He's right." "Just yesterday," my painter friend wrote back, "we were watching (Rep.) Mitos Magsaysay (Lakas Kampi CMD) berate Sec. (of the Presidential Communications Group) (Ricky) Carandang in the vernacular (during the hearing on the budget for his group); I imagine the rhetorical effect would be less if she argued in straight English. Mas may talas ang Tagalog, mas gusto natin ang bigat ng dilang kanto kaysa sa mala-coñong dila (that speaks Konyo or Coño English or Englog). . . . I'm hoping that you are right, Jen, that the sarcasm isn't lost on his readers. Sometimes I think most of us are not too appreciative of irony, much more various forms of sarcasm like understatement."
Allow me now to interpolate unto this manuscript of comments in the vernacular (that Rep. Apostol might deem abominable), Mitos Magsaysay-fashion. My view would lean towards an affirmation of Soriano's points in his web of irony.
But as regards Soriano's irony itself, ito ang masasabi ko riyan. Isa sa mga pinakamahirap i-handle ang irony. Si Alanis Morissette kinantyawan dahil di raw niya alam kung ano ang ibig sabihin ng "ironic" nung sulatin at kantahin niya ang kanyang awiting pinamagatang "Ironic". Muntik na rin di maisama sa In Utero album ng bandang Nirvana ang kanta nilang "Rape Me," dahil di raw klaro ang irony sa kanta, sabi ng mga execs ng DGC Records-Universal. Nakakatawa pa, nung makumbinsi ng banda ang mga executives na iyon, ni-release ang single CD ng "Rape Me" with a B-side song called "Moist Vagina." Ang tanga-tanga talaga. Wonder what the irony was in that. Ironic, di ba?
BUT let's get back to the main issue.
Let me focus on those guerrilla English words that are appropriated by our expanding education not based in the English language but in Tagalog/Filipino, by which I mean the expanding education derived from the streets. Again, let me argue in the vernacular, Mitos Magsaysay-fashion:
Assuming this writer James Soriano was not being ironic but just being honest, tama ka, Marcel Antonio, ang final line ng article---"So I have my education to thank for making English my mother language"---is still right on the money. At kung ating aalamin at sisiyasatin, kahit ang mga Tagalogero na hindi Inglesero ay mag-a-agree na kailangang bigyan-pugay ang wikang Ingles. Ito ang matagal ko nang sinasabi sa mga kaibigan kong purists, na automatic nationalists daw by virtue of their purism, na ang totoo niyan, ang majority ng mga Pilipino sa Tagalog Luzon ay Taglish ang salita at di nila naiintindihan ang mga tula sa purong Tagalog ni Lope K. Santos. Ang labandera namin, maraming English words at phrases na ginagamit na galing TV at showbiz. Ang mga ka-banda ko sa Groupies' Panciteria ay hindi naman mga galing U.P. Conservatory of Music or U.P. Department of English, pero kumukonsulta ng mga tipa sa gitara sa mga websites ng buong mundo, at hindi ko pa sila narinig na nagsalita na wala man lang Ingles sa kanilang bawat pangungusap, kahit man lang sa mga simpleng tanong gaya ng "kuya Jo, may noodles ba tayo riyan?" Ibig sabihin, lahat ng tao rito sa bansa natin, nakakakuha ng edukasyon gamit ang mga salita ng English language. Pakinggan mo na lang si Ka Gerry Geronimo sa agriculture show niya sa TV, parang ako magsalita rito, nag-so-sow ng maraming seeds ng appropriation ng English words para sa Tagalog ng mga magsasaka ng kasalukuyan at ng future. Nakarinig ka na ba ng mag-aayos ng dingding niyo na Tinagalog pa ang concrete nail? Kung di ako nagkakamali, sabi ng makatang si Virgilio Almario sa isang preface o foreword ng isang Tagalog/Filipino - English dictionary, pag ang Ingles na salita ay ginagamit-gamit ng Tagalog na tao sa pananagalog niya, Tagalog word na rin iyon. Dati babaguhin natin ang spelling, tulad ng "driver" to "drayber". Ngayon, hindi na, especially na maraming kolehiyala o colegiala girls dyan na pumapara sa driver para maibaba sila sa corner. Ang mga bata sa elementarya ay binibigkas ang bagong alpabeto ng wikang Filipino thus: "a, b, c, d". Wala na ang dating "a, b, k, d".
Pero, on the other side of the coin naman, totoo ngang me mga may kultura na nagsasabi sa kanilang mga sarili na "mas superyor ako dahil marami akong alam na Ingles kesa sa mga tao sa kalsada".
Aktwali noon pa 'tong presumption ng superyoridad na 'to e. Noong panahon ng mga Espanyol, sabi nila, "mas superyor ako dahil mas marami akong alam na Espanyol kesa sa mga tao sa labas ng aming bahay na bato". Kung tutuusin, inferyor ang pananaw ng nagsasalita ng gayon dahil ininvade ang utak niya ng isang aroganteng kulturang Espanyol. Ang indibidwal na nag-Tagyol o nag-Espanlog ang masasabi kong naging superyor, dahil siya ang kumuha ng makukuha niya sa mga lenguwahe na nakahain sa buffet ng kaalaman.
Kasi lahat naman ng languages may kanya-kanyang kakaibang yaman, maliban pa dun sa mga "talas" na unique sa kanila. Marami kang makukuhang kaalaman sa wikang Ingles. Gayun din sa wikang Tagalog/Filipino. Anong African language ba 'yon na may napakaraming tawag sa ulan, gayung sa Tagalog me buhos at ambon lang? Sa Japanese daw me 50 words for rain. Ayon sa isang writer ng Miller-McCune magazine sa kanyang report na pinamagatang "Rescuing Endangered Languages Means Saving Ideas": "This suggests language systems don’t merely translate universal ideas into different spellings; they encode different concepts. And when we lose a language, we risk losing those concepts." Still, kung ang foreign concepts ay accessible naman, bakit nga ba natin lilimitahan ang isang tao na gustong mag-aral ng as many words as he can keep in his skull's hard disk and who wishes to be able to use them in his daily grind as he speaks to the taxi driver? Unang-una, komunikasyon naman ang objective, di ba? Oo nga't di mo malelectyuran ang taxi driver tungkol sa metanarratives ng colonial literature, kahit purong Tagalog pa ang gamitin mo ("metanaratibo ng mga likha at literaturang kolonyal"), pero di ka lang maiintindihan hindi dahil wala siyang alam na Ingles kundi dahil hindi niya alam yang mga bagay na pinagsasasabi mo. Buti pa pag-usapan niyo na lang ang mga spark plugs na patok at ang iba't-ibang tread ng gulong, baka ilibre ka pa niya sa "flag-down fare" mo.
Kasi naman, labas sa Kongreso at sa broadsheet journalism, sa mga tao sa araw-araw---tulad ng mga tao sa mga airports---hindi isyu ang language. Ginagawa lang 'tong isyu ng mga ayaw makinig sa sinasabi mo.
NOONG August 26, naglabas ng parodic essay ang Singapore-based writer and blogger na si Kat Nisperos sa wikang "Bekimon" (baklang jejemon) o swardspeak sa kanyang Facebook Notes page. Kinontra nito ang gist ng essay ni Soriano by translating his essay to become his/hers. Read the essay here.
Do read, however, Nisperos' nota bene regarding his essay, which offered an apologia against judging Soriano's person and person-qua-social-symbol, quickly campaigning for a more magnanimous view, preferably one taking notice of a larger issue. Why the post-Note note?---I ask. Would it seem that there had been readers of Nisperos' essay who mistook his humor for being one by a deeply-offended voice? Ironic, di ba? Dahil isa raw sa mga rason ng pagsulat ni Nisperos ng essay na ito was to "put a lighter note on the entire issue, because too many personal attacks were being made against James".
Oo nga't kung pagbabasehan lang natin ang parody ni Nisperos ay tila di niya binasa ang essay ni Soriano bilang isang ironic take on an issue. But, nonetheless, his/her essay demonstrates amply well na maraming wika sa Metro Manila, at lahat ng ito ay sources of knowledge. Ang maraming niches dito, whether these involve population segments drawn around social classes, regional classes, various small groups, or whatever, are more diverse than we've come to expect. There are the jejemons that offend some. There are the pure Tagalog speakers that preach Iglesia ni Kristo and Ang Dating Daan gospel truths. There are the bus conductors with three-voweled Visayan accents that would forever be the butt of Manila sitcom and mahjong jokes.
But yet, Metro Manilans are deemed as belonging to one nation instead of as a compendium of mini-nations or intra-nations or nations within a nation.
Which should make us conclude, based on this fact alone, na tulad ng mga tao sa mga airports hindi nga dapat isyu ang language. Ginagawa lang itong isyu ng iilan dahil ayaw nilang makinig sa mga sinasabi mo, kahit ilang dekada na silang nakikinig sa wika ng mga tulad mo sa plenaryo ng cosmopolis.
(Oh, and kasama na rin do'n ang mga sinasabi ng wika ng Irony. At ng wika ng plain humor.) [END]
-------------------------------
ADDENDUM (September 2, 2011):
Tila ngang me irony sa essay ni Soriano, ito'y ayon sa kanyang bagong sanaysay dito: click dito. May mga di naniniwala sa kanyang apologia. Nasaktan sa mga sinabi niya sa unang essay. Ganun kailap ang irony, ang claim sa irony, o ang absence ng irony na sabi ng ilan ay naroon. Pero sabi ko nga sa taas: "sa nakararami, hindi isyu ang wika. Ginagawa lamang itong isyu ng mga ayaw makinig sa sinasabi mo." Ano ba talaga sa palagay ninyo ang sinasabi ni Soriano? Ano ang sinasabi ninyo? Tila tatlo ang naging isyu: 1) ang Filipino language bilang simbolo ng bayan na sing-tatag sa puso tulad ng bandila o ng imahe ni Hesus ng Nazaret, 2) ang privileged class na tulad ng kay James Soriano raw at ang pagkantyaw sa wika ng may wika, at 3) ang irony. Tapos na ang buwan ng wika. Setyembre na, ang pampitong buwan ayon sa mga Romano at sa astrolohiya. Subalit walang pumapansin sa pangalan ng buwan na ito (na ang ibig sabihin ay seventh month), kahit narito na tayo sa Kalendas Ianuarius (o Julian calendar na may dinagdag na Januarius at Februarius). Pa'no kasi, sa mga tao sa kalsada sa araw-araw, hindi isyu ang pangalan ng buwan. Ginagawa lamang itong isyu ng mga taong ayaw ng nasisinagan ng araw.
Subalit tila ngang me depekto sa depensa ni Soriano sa pangalawa niyang sanaysay. Dahil tila nalimita niya ang isyu sa dadalwang wika lamang, ang wikang English at ang wikang Filipino (o academically-expanded Tagalog). Sabi ko nga sa main essay ko sa taas, ang mas angkop na deskripsyon sa wika ng nakararami sa Tagalog Luzon ay Taglish. O sabihin na nating Tagalog pa rin. Ngunit hindi ito ang Tagalog na mababasa mo sa pangalawang sanaysay ni Soriano. Ito ang Tagalog na maririnig mo sa TV.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment