photo from blauearth.com |
AWAY SA TOPIC
JANUARY 9, 2013. Naroon kaming tatlo, ako, ang kaibigan kong pintor at ang kaniyang asawa, sa Ma Mon Luk
Quezon Avenue kasama ang ilang mukhang pulitiko sa ibang mga mesa na dumating lulan ng mga Pajero nila na may kasama pang mga police escorts.
Kung maririnig mo ang usapan namin, parang see-saw: ang kaibigan ko'y gustong mag-focus sa mga simbolo ng pop culture habang ako ay nakatuon, at least sa araw na iyon, sa mundo ng geopolitics. At lahat ng ito ay sa harap ng mainit pang siopao bago dumating ang aming wonton soup.
Geopolitics. Don't we just
love this topic? Isn't this the alphabet we'd like to see in our soup? By we, of course, I can't include Philippine television.
Unti-unti, nadala ko rin ang kaibigan ko sa topic na mas gusto ko noong araw na iyon, at napunta na nga ang usapan namin sa pagtulong ni Mr. Ma sa mga Hapon noong panahon ng giyera, mga Hapong gustong magpalaki ng teritoryo para makakuha ng yamang maiuuwi nila sa kanilang Emperador at mga isla. Painful memory, but almost forgotten. Sa isang mesa naman, pinag-uusapan ang isang tumatakbo sa pagka-senador na si Mitos Magsaysay, na sabi'y dismayado at di natuloy ang ZTE deal ni Gloria Arroyo with China (see ZTE scandal). Pero bagamat politics na may geopolitcs pa rin ang usapan from table to table, walang cinematic theme sa Ma Mon Luk, walang barilan kahit me mga talk of wars of the past. Dito, everything's pure,
boring Discovery Travel and Living television around a hot siopao while waiting for one's wonton soup.
AWAY SA LUPA
FAST-FORWARD sa February 9.
Around 200 kataong
pinamunuan ng kapatid ni Jamalul Kiram III na si Agbimuddin Kiram ang nag-land “illegally”
sa Lahad Datu, isang town-district sa “Malaysian state” ng Sabah. Supposedly iyon ay isang irredentist siege na nag-a-assert ng claim ng Sulu Sultanate sa
state ng Sabah. Ang mga taong yaon ni Kiram, na ang karamiha’y heavily armed,
engaged in a standoff with Malaysian police, telling reporters Malaysia is
"only renting" Sabah from the heirs of the Sultanate and should be
the one to leave.
Ang pangulo ng Pilipinas,
si Benigno Aquino III, ay nagpadala ng mensahe kay Kiram na mag-stand down at
i-settle ang kanilang claim sa pamamagitan ng isang peaceful process. Tinukoy
niya ang kabuhayan ng mahigit 800,000 na Filipino (documented at hindi) sa
Sabah na madidiskarel ng isang bayolenteng konprontasyon with the Malaysian
forces. Inusig ni Aquino si Kiram sa kanyang ginawa at sinabihang pabalikin na niya
ang kanyang mga tagasunod at pag-usapan na lang ang lahat, habang sinabi rin
niyang nararapat arestuhin si Kiram sa kanyang ginawa, dahil siya’y
nakikipag-giyera sa ngalan ng Pilipinas, na isang krimen ayon sa Konstitusyon.
May mga nagalit sa media at sa oposisyon sa tough talk ng Presidente.
Si Kiram naman,
for his part, ang nagsabing siya’y naubusan na ng pasensya sa gobyerno ni Aquino
(at ng mga nakalipas na gobyerno), at ito'y matapos ang isang diumano’y sulat niya sa
Palasyo ay ayon sa kanya'y hindi binigyan-pansin ng kasalukuyang Pangulo. Malacañang searched, or
pretended to search, for the letter. Sa kasagsagan ng standoff, nagpatawag ang
Palasyo ng isang press briefing upang ianunsyo na ang nasabing sulat ay nakita,
kung kaya’t makabubuti na sa lahat kung magpunta na si Kiram sa Maynila para mapag-usapan
ang kanyang claim. Ngunit, dagdag pa ng announcement, di ito nangangahulugan na
abswelto na si Kiram sa ginawa niyang paglabag sa batas ng Pilipinas.
Nang tangkain nang
arestuhin ng Malaysian forces ang grupo ni Kiram, nagkaroon ng palitan ng putok.
Nabalita agad na may mga nasawi, kasama ang ilang sibilyan. Nagkaroon ng isang
exodus ng mga manggagawang Pilipino (karamihan Tausug) by outrigger boats and
small launches. Bagamat binalita ng Philippine media ang pagkasawi ng ilang
Malaysian police, majority ng reports ay tungkol sa mga nangyayari sa partido
ni Kiram at sa mga displaced Filipino workers, understandably.
Ngunit tila sinisi
ng media at ng social networking public opinion ang tough talk ng Aquino
administration sa mga mensahe nito sa partido ni Kiram na tila raw siyang nag-udyok
sa partido ni Kiram na ituloy ang “invasion” at naging sanhi na nga ng pagsiklab
ng putukan. May tila pagkiling daw ang gobyerno natin sa mga reactionary forces
at interes ng Malaysia. Yun ang sinasabi ng pamilya Kiram at tila yun din ang
slant ng maraming reporting ng media at propaganda/amateur “reporting” sa
Facebook. Gumamit ng hindsight bias ang mga opinyon ng kritiko ng gobyerno para
ipagduldulan ke Aquino ang hard tone na ginamit niya para takutin si Kiram, na
ayon sa kanila’y isang tonong tila di umobra. Hi-nype-up ng mga opinyong ito
ang isang “amateurish handling” daw ng gobyerno sa ongoing crisis, at tinawag pa
nga ang later “disengagement” call ni Secretary of Interior and Local
Government Mar Roxas na mabagal ang pagdating sa huling minuto.
Sa kasagsagan ng
conflict, umapela rin si DSWD Secretary Dinky Soliman sa media na huwag
tawaging “refugees” ang mga Pilipinong pabalik ng Mindanao galing Sabah. “Can I
also request the media not to call them refugees because they are not,” she
reportedly said. “They’re returning citizens. They are not refugees. Kasi iba
‘yung refugee. It’s as if you’re fleeing your country and you don’t have a
country; they do. They are Filipino citizens, working in Sabah [who are]
unfortunately not documented.”
Tila nag-backfire ang statement na ito ni
Soliman, what with media’s focus on the horrors of the ongoing armed conflict.
Soliman ought to have been aware of the fact that media’s micro-journalism was
painting a patriot out of Kiram’s person and a Malaysian collaborator out of
Noynoy Aquino’s.
photo from gmanetwork.com |
AWAY
SA DEPINISYON
OKEY. GUSTO
kong dito simulan ang sanaysay ko tungkol sa isyu. Let us examine Soliman’s
statement.
“Kasi iba ‘yung refugee. It’s as if you’re
fleeing your country and you don’t have a country; they do. They are Filipino
citizens, working in Sabah [who are] unfortunately not documented.”
Technically, mukhang wala namang mali. Dahil
kung may paghahanap man ng refuge na nangyari, tila ito’y nangyari noon pa,
noong lumikas ang mga workers na ito sa Mindanao patungong Sabah bilang mga economic refugees mula sa
bansa nilang walang maibigay sa kanilang trabaho o kabuhayan.
Technically also, di natin puwedeng
masabing bansa nila ang Sabah, unless they count themselves as subjects of the
Kiram monarchy, and many of them do not. Kahit ang isang Pilipinong nagkaroon
ng titulo ng lupa roon would have a readily existing technical dispute between
himself and the Kiram royal family.
Technically, ang Sabah ay bansa in
transit. On paper, it may be said to belong to the Philippines, ngunit wala
pang may may-ari, dahil puwede mo ring sabihing technically ay maaaring di
i-honor ng Kiram family ngayon ang 1962 ceding of Sabah to the Philippines ng
previous Raja Muda na si Muhammad Esmail Kiram I. Puwede mo ring sabihing hindi
rin atin ang Sabah kung wala tayong kakayahang i-enforce ang ating claim by
force, which force would technically strengthen the claim. Technically,
therefore, wala pang may may-ari dahil in transit, pinag-aagawan ang
sovereignty, by both paper claims or claims by force (or disguised force).
So, umaksyon na nga si Kiram III para sa
kanyang sovereignty claim, na meron nang force element, through his
irredentist move. Sadly, though, ang action na ito ni Jamalul Kiram III
demonstrating sovereignty also presumed a sub-sovereignty, parang provincial
sovereignty claim under the Philippines' national sovereignty claim. Malungkot ito, sabi
ko, dahil may kontradiksyon. Malungkot, dahil ang kontradiskyon na ito ay hindi makita
ng mga kritiko ng gobyerno, kung kaya’t tila kulang ang sumusuporta sa posisyon
ng sarili nating gobyerno.
Kaya tutulungan kong magpaliwanag ang
gobyerno rito kung ano itong kontradiksyon. Ganito ang takbo no’n: ikaw, Kiram
III, habang sinasabi mong ang provincial sovereignty claim mo ay dapat
tinutulungan ng national sovereignty claim, gumawa ka ng isang unilateral na
aksyon na nagpapakita na wala kang pakialam sa national sovereignty claim. Kaya
ka nga gumawa ng sarili mong action demonstrating your own sovereignty, e. In
effect, habang sinasabi mong Pilipino kang dapat tinutulungan ng Pilipinas, ang
action mo ay walang pakialam sa Pilipinas, di nakinig sa Pilipinas, di pinansin
ang concerns ng batas ng Pilipinas, at di nag-isip sa puwedeng mangyari sa mga
Pilipinong nasa Sabah. At, kung totoo ang lahat ng sinasabi mo sa propaganda mo
tungkol sa kadakilaan ng aksyon mo, prinesume mo na tutulungan ka ng isang bansang
ayaw mo na o di mo kinikilala. Ano ka ba kung ganon? Masasabi kong ikaw ang
hindi naging Pilipino, ikaw ay naging Kiramian lamang. Pero, of course, hindi
nakita ng mga kritiko ng gobyerno yung kontradiskyon na iyon, kaya suwerte mo
(at suwerte ng mga propagandistang nasa likod mo).
Ang action ni Jamalul Kiram III ay hindi
para sa Pilipinas. Ang aksyon niya ay para sa kanyang pamilya lamang, o para sa
isang faction ng pamilya Kiram lamang, dahil ang pamilyang Kiram ay isang pamilyang mayroon ding
kani-kaniyang claim sa soberanya sa kanilang apelyido at pagka-heredero. In
short, mga kababayan, kung meron tayong claim sa Sabah, tayo sa Pilipinas, ang
kalaban natin sa claim ay dalawa: ang Malaysian claim at ang claim ng faction
ni Jamalul Kiram III. Sa palagay ba natin ay ibibigay sa Pilipinas ng faction
ni Kiram ang Sabah kung makuha na natin ito mula Malaysia? Di matatapos doon
ang giyera. Tayo naman ang gigyerahin ng royal forces ng Sulu.
Entonces, tama si Soliman. Refugees nga ang
mga lumikas na Tausug noong nasa Sabah pa sila, dahil ang Sabah mismo ay lupa
that doesn't have a country yet. Nung bumalik sila sa Pilipinas, napunta sila
sa isang bansang kanila at siguradong sila lang ang nagmamay-ari.
photo from positivelyfilipino.com |
AWAY
PARA KANINO?
SUBALIT umiikot
ang talakayan ngayon sa nakalipas, sa History ng Sabah, na tila may malakas na patunay na
sa Pilipinas na nga ang Sabah. Ngunit, assuming na pakikinggan ito ng Malaysia,
di ba iikot din ang tanong sa kung ano ang ibig sabihin natin ng “Pilipinas” na
may karapatan sa Sabah? Ito ba’y ang buong Pilipinas bilang estado o ito ba’y Kiram
family lamang (na kinikilala natin bilang mga Pilipino)? Kasi kung ang latter, ibig
sabihin hindi natin ipinaglalaban ang karapatan ng Pilipinas sa lupa ng Sabah,
ipinaglalaban natin ang karapatan ng isang pamilyang Pilipino upang makuha nila
ang kanilang inangking lupa. Ito ay dapat klaro, sa dahilang kung tayo ay
makikipag-giyera sa Malaysia, dapat alam natin na nakikipaggiyera tayo hindi sa
ngalan ng Pilipinas kundi sa ngalan ng isang Pilipino-kunong pamilya. Ang
lupang ipaglalaban natin gamit ang dugo ng ating mga anak ay upang maibalik sa
pamilyang Kiram ang kanilang lupa. Tanong ko: ipadadala mo ba ang anak mo na
gawin ang patriotic act na ito para sa isang inagaw na islang pagmamay-ari
lamang ni Lucio Tan?
PUNO’T
DULO NG AWAY
SO, OKEY. Technically
Sabah is the Philippines', as per the former sultan’s ceding of Sabah to the
Philippines in 1962. Pero this is all technicality looking at the past. Technicality
looking at the future would shed light on the behavior of the country's
leadership, at maaaring magbigay-sagot sa atin kung "bakit ganun ang
behavior ng Malakanyang at tila pumapabor pa sa Malaysia."
Eto. Bakit ba nag-apura na si Jamalul
Kiram III at ang kanyang mga funders at gumawa na ng isang desperate na show
of force para i-claim ang kanyang proprietary rights sa lupa ng Sabah (habang
hinihimok ang gobyerno natin na tulungan siya kasama ang “ating” sovereignty claim)? Hindi
ako naniniwalang nagpadala nga ng sulat sa Malakanyang si Kiram. Tumakbong
senador ng Lakas-Kampi-CMD noong 2007 at nakabili ng million-pesos worth of weapons, pero
di makalipad sa Maynila para makalapit sa ilang mga opisyales ng gobyerno?
Simple lang ang rason. Ayaw talaga ni Kiram at ng kanyang mga funders
ng peaceful talks na alam niyang (nilang) walang patutunguhan. (Ngayon na lamang sila nanghihingi ng talk with the president, matapos nilang makita na wala silang ipoprogreso sa standoff maliban sa pagkalipol ng kanilang angkan).
Oo, iniisip nila noon, bago ang bakbakan, na walang patutunguhan ang peaceful talks. Kasi nga naman, in a matter of months
na lang, come 2015, magsisimula na ang ASEAN Economic Community (AEC), isang
magaganap na economic at political revolution sa Southeast Asian region that
would recontextualize (and postmodernize) the Sabah dispute. Prime movers ng
ASEAN Economic Community ang Philippines at Malaysia. Why do you think inapura
rin ang Bangsamoro treaty? Why do you think Malaysia finally agreed in the
Aquino period, after starting to entertain the idea in the Ramos period, to
have nothing to do with the Moro Islamic Liberation Front (MILF) and the Moro National Liberation Front (MNLF) [with Indonesia’s help] any longer? Gusto na ng ASEAN region na
tapusin ang mga maliliit na territorial disputes sa rehiyon para imbis na
papunta sa secessions ay magtrabaho na ang lahat para sa integration, kahit man
may mga autonomous na regions sa loob nito. Naniniwala ang ASEAN governments na narito ang
tunay na power para sa lahat ng ASEAN members, at sa mga corporations ng ASEAN
member countries, laban sa superpowers at kanilang mga super-siopao intereses.
Alam ng gobyerno natin na hindi padadala
si Kiram sa mapayapang usapan dahil alam niya rin na getting obsolete na ang
sultanate claim. At alam din marahil ni Aquino na walang saysay ang
makipag-usap kay Kiram, kung kaya’t ang unang naging hakbang niya ay ang takutin si Kiram
ng arrest, dangling the Philippine constitution, at para takutin ang sinumang iba pa na gustong sumunod sa movement ni
Kiram.
Habang nangyayari ang Sabah invasion ni
Kiram, ano sa palagay niyo ang binabalita sa PTV-4, ang government channel? Ang
pag-uusap ni Noynoy Aquino at ng Sultan of Brunei. Ang Brunei ang isa pa sa
hinihimok na sumali totally sa integration, na may tila konting problema sa
integration dahil sultanate din ang lupa ng Brunei. By the way, ang Malaysia ay mayroon ding mga sultanates, being a state with a constitutional monarchy. . . .
Itong lahat ang macro-view at future view,
hindi ito ang past view. Sa pananaw ng mga Pilipinong sumasang-ayon sa
integration, ang malaking kalaban natin ay hindi ang Malaysia kundi ang economic
at political bully na China! Makakaalis tayo sa pagka-inferior sa China (or, more
properly, makakacompete tayo sa standing ng China) kung mag-iintegrate ang
Malay race, economically at first at pag-isa ng aviation routes nito sa 2015.
Who knows kung susunod na agad ang United States of Southeast Asia in a matter
of a few years, towards a supranational union.
Ito. Ito ang puno't dulo ng lahat ng
kaguluhang ito. (With some sidebar stories, perhaps, about Lakas-Kampi-CMD
interests to boot).
photo from nst.com |
TINAPOS NA AWAY
MALAYSIA helped the MILF and MNLF movements precisely
to protect its interests in Sabah. Tapos, bigla-bigla, ayaw na niya. Ito ang
rason: may mas maganda nang interest na hindi lang para sa kanya, para sa lahat
din. Hindi maaaring walang rason ang mga biglaang pagbago ng ihip ng hangin kung bakit ang magkaaway ay biglang magdedecide na huwag nang mag-away. Ito yun, ito ang rason. At iyon din ang rason kung bakit may free flow na ng workers to and from
Malaysia na di na istrikto sa dokumentasyon. Sa mga susunod na dekada, hindi na
foreign country ang Malaysia, parang ibang state/province na lang ng isang rehiyon na may iisang ASEAN passport.
photo from internationalist.org |
DAHIL SA MGA
KAAWAY?
Okay, so, now that it's out of the bottle, tanong
ngayon: bakit tinago ito ng Malakanyang at hindi na lang sinagot ng diretso ang
puno at dulo? Ito pa siguro ang pagkakamali. Sa takot na any loud masses-directed announcement
regarding the AEC would mobilize pro-China Philippine leftists to sing
anti-globalization songs, Malacañang contrived diverse rationales for its
actions that looked "favorable to Malaysia." But that reason, the AEC
reason, is the only reason that will pacify the nation. Well, understandably, of course, the
pro-China Left sa buong rehiyon ay maaaring makalikom ng following ng madla para ibalik tayo sa middle ages ng division.
CONSPIRACY: President Aquino issues warning to people who plotted the expedition of Sultan Jamalul Kiram III’s men to Sabah. MALACAÑANG PHOTO BUREAU |
WALANG KAAWAY?
Noong di pa nagsisimula ang bakbakan, may pinakalat na
feelers ang Malakanyang na may intelligence reports daw silang nakuha na may kinalaman ang dating administrasyon sa pagsalakay ng mga Kiram sa Sabah. Marami
ang natawa rito. Ipatatawag daw ng Palasyo ang ilang tao noon ng
administrasyong Arroyo, kasama na rito si former defense secretary Norberto
Gonzales, ang parating pinaghihinalaang may pakana pag may ganitong mga pangyayari
(Glorietta explosion during proceedings for Arroyo’s impeachment, LRT explosion
during proceedings for Joseph Estrada’s impeachment, etc.) Sabi ng oposisyon at
ng media, ano na naman daw stretch ng imagination ito ng Malakanyang? Bakit daw
naghahanap ng kaaway na wala rito? Nasa Malaysia raw ang kaaway natin, at bakit
daw di tulungan ng gobyerno ang ating kapwa Pilipino, ang mga Kiram?
Pero kung
intelligence reports, iaassume ba natin na walang katotohanang mayroon nga nito?
Sa pagkakaalam ko, matagal na ang understanding ng Lakas people with CMD (Christian Muslim Democrats)/PDSP (Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas) people, kaya nga Lakas-Kampi-CMD alliance, which latter party includes Kiram (under Norberto Gonzales’ PDSP’s banner).
Natatandaan mo ba noong pinag-uusapan pa lang ang ASEAN Economic Community na mula pa sa
panahon ni Fidel Ramos? Tapos nagpatayo si Gloria Arroyo ng quasi-consular
office sa Sabah noong panahon na niya? At di ito pinayagan ng Malaysia? Nung luminaw na ang usapang ASEAN
Economic Community noong latter part of 2007, biglang sinabi ni Gloria Arroyo na
di na interesado ang Pilipinas sa sovereignty claim nito sa Sabah. Marami ang
umangal. Ano ang nasa likod nitong pagbabagong ito? Noong 2007, pinatakbo ng
Lakas-Kampi-CMD si Kiram for senator. Bakit? Kung wala ka nang sovereignty
claim na isinusulong, bakit kaalyado mo ang isang taong may patuloy na prorprietary
claims sa Sabah? Ha? A, oo, may proprietary claim pa nga pala. Sinabi ba ni
Gloria Arroyo na di na rin interesado ang Philippine government na suportahan
ang proprietary claims na ito? Ibig sabihin, kung magkaka-ASEAN Economic
Community, at ang Sabah ay magiging autonomous province ng ASEAN Economic
Community, at rendered obsolete na ang sovereignty claims ng lahat ng bansa, at
least mayroon pa ring proprietary claims. Shortly after Kiram was adopted by
Lakas-Kampi-CMD's senatorial slate, pinalaya rin ng Arroyo government si Nur
Misuari early in 2008. Naaalala rin ba natin ang dating attempts ng Arroyo
government later for a Bangsamoro treaty on ancestral domain na nauwi sa pag-teterrorize ng ilang paksyon ng MILF dahil sa conflict ng gusto ng Malakanyang at ng desisyon ng Korte Suprema tungkol sa treaty? At may pamumugot pa ng ulo ng ilang miyembro ng Philippine Marines na nangyari?
Tanong: ano
ba ang maaaring interes ng mga tao ng Lakas-Kampi-CMD sa Kiram clan? At kay
Misuari, gayung delikado pa ring challenge ang waning MNLF sa stronger MILF?
Or, by a stretch of the imagination, ano ang puwedeng interes ng mga
funders-we-don't-want-to-believe sa Sabah? Hmmm. Alam niyo, ang oil reservoir
sa ilalim ng sedimentary rock na pinagkukunan ng mayaman-na-ngayong Brunei ay parehong
source na pagkukunan mo kung magdidrill ka sa Sabah offshore. Matagal nang binalak palawigin ng
Malaysia at ng Petronas ang drilling doon, pero dahil nga sa claimants hindi ito magawa (ng
hayagan).
Balik tayo sa funders. Noong pinaplantsa pa lang ang Bangsamoro treaty ng Noynoy Aquino administration, wala kang maririnig kay Nur Misuari. O baka lang hindi marinig dahil walang lumalapit na taga-media. Noong malapit na ang araw ng pirmahan at kumpirmado na ng government media ang withdrawal ng support ng Malaysia sa MILF (at waning MNLF), at Malaysia pa nga ang tumulong sa pag-uusap ng lahat ng partido, heto't nag-iingay na si Misuari laban sa treaty bagamat may mga delegates siya rito, na kung tutuusin mo ay wala namang mababawas sa kanya (unless maging unreasonable siya tungkol sa hatian ng natural resource revenues at sa territory na masasakop ng autonomous region). Or, heto't may mga taga-media nang lumalapit kay Misuari (sino kaya ang nagsabi sa kanila na puntahan si Misuari?). Ngunit ito ang tanong ngayon: kailan ba nagkaroon ng multi-million peso weapons ang mga Kiram? Sino ang nag-supply sa kanila? Bagamat sa una ay dineny ng MNLF na nasa likod din sila sa napabalitang sabotahe sa Bangsamoro treaty between the Aquino government and MILF at sa pag-provoke sa mga Kiram na gawin ang balak nila, noong Marso 5, 2013 ay kinumpirma ng MNLF spokesman na si Hadhi Acmad Bayam na mayroon silang mga Malaysia-trained na tao at mga nakatagong weapons na ipapadala para tumulong sa mga Kiram.
Balik tayo sa funders. Noong pinaplantsa pa lang ang Bangsamoro treaty ng Noynoy Aquino administration, wala kang maririnig kay Nur Misuari. O baka lang hindi marinig dahil walang lumalapit na taga-media. Noong malapit na ang araw ng pirmahan at kumpirmado na ng government media ang withdrawal ng support ng Malaysia sa MILF (at waning MNLF), at Malaysia pa nga ang tumulong sa pag-uusap ng lahat ng partido, heto't nag-iingay na si Misuari laban sa treaty bagamat may mga delegates siya rito, na kung tutuusin mo ay wala namang mababawas sa kanya (unless maging unreasonable siya tungkol sa hatian ng natural resource revenues at sa territory na masasakop ng autonomous region). Or, heto't may mga taga-media nang lumalapit kay Misuari (sino kaya ang nagsabi sa kanila na puntahan si Misuari?). Ngunit ito ang tanong ngayon: kailan ba nagkaroon ng multi-million peso weapons ang mga Kiram? Sino ang nag-supply sa kanila? Bagamat sa una ay dineny ng MNLF na nasa likod din sila sa napabalitang sabotahe sa Bangsamoro treaty between the Aquino government and MILF at sa pag-provoke sa mga Kiram na gawin ang balak nila, noong Marso 5, 2013 ay kinumpirma ng MNLF spokesman na si Hadhi Acmad Bayam na mayroon silang mga Malaysia-trained na tao at mga nakatagong weapons na ipapadala para tumulong sa mga Kiram.
Ngayon, corollarily,
sino ang may kapangyarihan o access para ma-monitor ang accounts ng pamilya
Kiram, their capacity to buy weapons, outgoing funds and incoming funds, big
and small? At sino ang may capacity to monitor a sudden influx of journalists
to Sabah prior to the Kiram's Sabah announcement of an "invasion"?
Dalawa: Philippine government and Malaysian government. Ano ang findings ng
intelligence nilang dalawa?
Of course,
we can choose to believe na walang funders, na lahat ng $3,000 ArmaLites ay
donated lang ng mga concerned citizens. Oo nga at mahirap magpatunay sa
publiko, lalo na kung may mga bagay na di puwedeng sabihin sa publiko regarding
how governments can monitor the traffic of funds and sources (e.g., ipapaalam
ba ng US na ang naintercept nilang Iraqi weapons ay galing sa team ni Oliver
North kung hindi nag-leak sa media? Syempre hindi, internal na lang yon).
Mahirap talaga para sa press release managers kung may delicacy sa paglabas ng
information sa media kung may diplomatic repercussions din dito vis a vis a
flammable public lacking in knowledge about the whole picture (inclusive of
opposition partisans na may sariling propaganda agenda na nagbubulagbulagan sa whole picture). Tandaan natin na
marami sa mga weapons ng MNLF ay nanggaling din ng Malaysia, at maaaring
makasira sa role ng Malaysia sa mata ng publiko (both Philippine public and Malaysian public). [Conversely naman, puwede mong
ilabas sa media ang mga bagay tulad ng existence ng isang Jose Pidal account na
common knowledge sa isang bangko, pero iba naman ang haharang sa iyo roon sa
paglabas ng detalye. Batas, hindi diplomatic issues.]
We can
choose to believe na walang funders, and even choose to believe all sorts of meme reports of rampant rape and torture sa isang Facebook wall na may larawan
lamang ng nahuling mga bihag na galing sa kampo ni Kiram. Nagkalat ang
“reports” sa Facebook na ni-layout sa Microsoft Word na nagsisisigaw ng
katotohanan tungkol sa nangyayari sa Sabah na mga pagsasamantala ng mga
Malaysian forces doon. Tila nanalo ang propaganda ng mga ganitong “reports” sa unang bugso sa mata ng matatalinong tao sa Facebook. Sabi ko sa sarili ko, kanya-kanyang confirmation
bias na lang ito, sabi pa nga sa sociology. Hay naku, galing na ako riyan. Sa
advertising industry, ang liit ng tingin namin sa masa (kasama na ang
well-educated masses), madali mong mabilog sa pamamagitan ng mainstream at
guerrilla media sa ngalan ng "katotohanan".
photo from loyarburok.com |
AWAY NG
MALALAKI VS. MALILIIT?
NGAYONG narito na nga tayo sa usapang AEC, sasabihin
ba natin na tila biktima pa rin dito ang maliliit na tao na may mga buhay na
nasawi at kailangan pa rin silang tulungan? Teka nga muna, sino bang maliliit,
ang mga tao ni Kiram? Kung sasabihin nating ang AEC ay panaginip lamang ng mga
malalaking industriya para sa kanilang mga sarili, thus an issue between people
in power or big business and ordinary people like the Kiram warriors na namamatay sa sagupaan, hehehe,
sino ba itong latter na tinutukoy natin? Ano ba ang interes nila? Di ba big
oil business din para sa kanilang amo?
Mas mainam
na tanungin kung sino ang caught in the crossfire, sino ang kawawa. Inisip ba
ni Kiram ang maaaring mangyari sa kanila, silang mga undocumented workers na
Tausug sa Sabah, pag nakipagbakbakan siya sa Malaysian forces? Ano ang pakialam
niya sa mga aliping Tausug na hindi miyembro ng royalty, ang interes niya ay ang claim niya sa oil reserves.
Wala siyang pakialam sa maaaring mangyari sa kanila, pero ang nakakatawa,
lumabas sa media na siya pa ang champion ng Tausugs. Ang micro-journalism nga
naman, oo, at ang kanyang profitable na anecdotal factualizing at conclusions
from one premise.
Iyan ang
nakakalungkot kapag puro facts ng politics on the ground and on Facebook walls ang kina-cover ng media, hindi ang
facts ng geopolitcs behind the curtains na maaari sanang magbigay-linaw sa tao kung sino ang tunay
na kakampi nila at sino ang huwad na champion. Lumabas na champion si Kiram ng
mamamayang Pilipino at traydor ang sabwatang Pilipinas-Malaysia. Subalit sino
ba ang magpapaganda sa buhay ng nakararami at sino ang mangingiwan lang sa
maliliit sa tabi? Kaya lang kasi, ang mga usapang ganyan, PTV-4 lang ang
nagcocover, boring.
So, global conspiracy kaya itong AEC ng mga malalaking industriya? Subalit ang "global conspiracy" na ito ay
transparent, lahat ng dokumento tungkol dito sa ASEAN Economic Community na ito ay
available online. Pero magkakainteres ba ang ABS-CBN News o ang GMA 7 dito? Walang tensyon
e. Syempre do'n sila sa mabenta. Isang babaeng ni-rape ng Malaysian police,
kahit hindi kumpirmado at sinubo lang ng Kiram party o ng anti-Aquino part ng
media, gagawing geopolitical reading. Nagsasaya ang opposition propaganda.
photo from http://www.prolanguage.co.th/ |
AEC LABAN SA
AWAYAN
KUNG interesado sana ang media sa dapat ipinapaalam sa
tao, o kung interesado sana ito sa konsepto na hindi dapat parating government-averse fourth estate ang media, at kung di rin sanang masyadong matatakutin ang government sa pagsiwalat
ng tunay na impormasyon, disin sana ay matagal nang malinaw kung bakit inapura
(as against “minadali”) ng Aquino government ang mga bagay-bagay tulad ng K-12, Framework Agreement on the Bangsamoro, etc.
Kung may
gagawa ng dokumentaryo tungkol dito, mainam sana kung ito’y all about the
preparations for the 2015 ASEAN Economic Community launch, mga preparations mula pa sa panahon ni Fidel Ramos o beyond hanggang kay Arroyo
kung kelan ito finally pinirmahan noong Nobyembre 2007, at hanggang sa Aquino
period, kasama na ang pag-apura sa K-12, ang RH BIll (kasi kelangan kang magpakita na may
interes kang magbawas ng liability para sa regional welfare fund), ang Bangsamoro treaty, airlines development at airport plans para sa ASEAN Single Aviation Market, etc., etc. Isama mo na
rin diyan ang pagluwag ng Burmese government ke Aung San Suu Kyi, ang takot ng
China kaya pinalibutan niya ang Spratlys at Scarborough Shoal, etc.
Subalit
kailangang i-brainstorm ng mga producers sa Ma Mon Luk iyang dokumentaryo na yan. Alam mo naman, sa
network may awayan ang programming people tungkol sa topic, tungkol sa market, tungkol sa profit. At
madalas nababasura ang usapang maganda ng geopolitics laban sa madalas na nananalong tensyong bigay ng micro-journalism, tulad ng bakbakan at iyakan. Sa Philippine news television, maliban sa PTV-4 at ABS-CBN News Channel talk shows, tila walang may
gusto ng Discovery Travel and Living programming kung saan ang usapan ay umiikot lamang sa mga nakaraan nang labanan habang nagsasalo ang lahat sa mainit pang super-siopao. [END]
No comments:
Post a Comment