hiram mula sa http://www.gmanetwork.com/news/video/380824/balitanghali/rep-salceda-mas-nagdudulot-ng-traffic-sa-edsa-ang-pokemon-go-kaysa-provincial-buses |
EMERGENCY powers. Ito ang hinihingi ng MalacaƱang sa Senado para malutas ang traffic at transportation crisis sa Metro Manila. "Change is coming" with those emergency powers, pangako ng paulit-ulit na campaign at government slogan ng Pangulong Rodrigo Duterte. Subalit, teka, kung ang departamento ehekutibo ang nanghihingi at hindi ang Senado ang humingi ng hearing tungkol sa usapin na ito ng emergency powers para sa Pangulo, ito ang tanong: Di ba ay may inihanda at isinumite ka na dapat na plano sa Senado bago ka pa man pumunta roon para pormal na manghingi ng emergency powers? Bakit kailangan ka pang tanungin kung ano ang mga plano mo ng mga taong hinihingan mo ng emergency powers?
Huwag na natin isa-isahin ang mga planong inilahad din naman ng departamento ehekutibo sa Senate hearing tungkol dito, pareho yung wow, na naman at yung maganda o tumpak na plano; kayo na ang bahalang mag-research kung ano ang mga ito at kumumporme o kumamot sa ulo sa bawat isa sa mga ito. Ngayon, gusto ko lang balikan ang mga nakaraan para mailatag ko ang aking pananaw sa buong polisiya sa trapik at transportasyon ng gobyernong ire.
MGA kababayan, may paborting salitang Bisaya na ginagamit ang Pangulo kapag nalalamyaan sa isang tao: bayot. Sa Tagalog, ibig sabihin nito ay bakla. Alam ko naman na ang ibig sabihin ng Pangulo ay malamya lamang, o walang tapang, o mahina, at hindi tunay na bakla, dahil alam naman niya siguro na maraming bakla ang may tapang at lakas ng loob, tulad nalang halimbawa ng tapang na marahil ay nakita niya kina Behn Cervantes at Lino Brocka noong panahon ng Martial Law. Gayunpaman, ayokong gamitin ang salitang ito kung ako naman ang malalamyaan sa isang polisya ng gobyernong ito dahil homophobic ang dating, tulad ng pagka-sexist ng pagsabing "para ka namang babae." Kaya ang gagamitin kong salita pag ako ang malalamyaan sa isang polisiya o kawalan ng isang pagkaklaro at pagkadiretso at pagka-malakas ay . . . malamya lamang. O di kaya walang kuwenta. O di kaya supot. Oops, di rin yata politically correct yon.
Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Ito ang tanong ko:
Kelan kaya tayo magkakaroon ng gobyernong may buong tapang na i-nationalize ang lahat ng sasakyang pampubliko sa metropolis o di kaya gawin ang ginawa sa Melbourne na di man nationalized ay nasa ilalim ng consortia kung kaya't di magulo, dahilan kung bakit nakaya niyang ipagbawal ang pribadong sasakyan sa ilang daan ng metropolis (maliban sa business cargo vans), at inobliga ang lahat na gumamit ng sasakyang pampubliko, maging janitor man o CEO ng mga korporasyon. Parang sa Japan din, kung saan pati ang mga CEO ay kumakain sa cafeteria ng mga sararimanu (salary men). Kelan kaya tayo makakakita ng ganitong uri ng tapang para sa pagkakapantay-pantay ng lahat sa daan? Kelan? Kailan?!
Sa ngayon kasi, tila may pagsandal na naman sa rason na ang trapik ay di naman parating "matrapik", at ito ay pinapalala lang din ng isang kathang-isip nating mga komyuter. Hmm. Kaya pala't narito pa rin tayo at may patuloy na pakikinabang ang oil companies sa malalang trapik na nagpapalago sa kanilang mga negosyo, salamat sa pagsunog ng mga sasakyan ng gasolina kahit di umaandar ang mga ito.
Naroon ang nakapagtatakang mga naunang utos ng LTFRB kung saan ipinagbawal ang pagdaan sa EdlSA ng isang uri ng public transport (UV Express) pabor sa isang public transport (buses), na di ko malaman kung ano ang naitulong sa trapik sa EdlSA gayung dumami lang naman ang nagcolorum na mga vans at naglipana na rin ang mga Uber at Grab. Ito ay habang nagkakakanta ang gobyerno na priyoridad daw nila ang public transport, gayung wala pa namang nagagalaw na paggalaw ng mga pribadong sasakyan at ang UV Express pa nga ang unang pinagdiskitahan, at pinaglakad pa ng malayo ang ilang mga mananakay nitong working class patungo sa kanilang mga MRT connecting stations. At sasabihin ng gobyerno na socialist daw siya at maka-working class? Sus, ginoo.
(Mabuti naman at pagkaraan ng ilang linggo ay binawi rin ito ng mga taga-Dabaw na nagpatupad nito na tila may weird na konsepto tungkol sa trapik sa EdlSA, bagamat may mga kondisyon pa rin itong di ko pa rin maintindihan. O naiintindihan ko kung umaalis ako sa sosyalistang perspektibo na pinangalandakan ng gobyerno na siya rin daw perspektibo na pinanggagalingan nila. Pweh.)
Meron ba talagang solusyong bago ang gobyerno natin ngayon maliban sa mga imprastaktura na naman na makikipaghabulan na naman sa dumaraming sasakyan na humahabol sa bilang ng mga indibidwal sa lumulobong populasyon ng lungsod?
Ang problema ng trapik ay hindi ang trapik, kundi ang kathang-isip ng mga rehimen na ang tanging solusyon sa paglobo ng populasyon ng mga pribadong sasakyan ay nasa paggiba ng mga bahay para matayuan ng mga kalsada. Saan ito hihinto, pag naubos na ang mga bahay? Ang problema ng EDSA (at hindi ng EdlSA) ay sa patuloy nating pagsamba sa pagkasanto ng mga pribadong sasakyan nang walang pagtatanong man lang kung alin at sino ba talaga ang dapat na ituring na santos ng highway na ito. Matagal na nating tinanggap na santos ang mga pribadong sasakyan dito, nang walang pagpreno at pagmunimuni tungkol sa kung sino ba talaga ang los santos. The saints. Napapanahon na siguro na ibalik natin ang L sa EdlSA, silang mga tunay na los santos, ang public transport commuters na siyang dapat na sinasamba ng mga polisiyang pang-transportasyon.
Sa ngayon, wala. Wala akong nakikitang solusyon na magpapahinto sa pagpabor ng gobyerno sa pribadong sasakyan. Ang future transporation utopia kung saan wala nang pribadong sasakyan ay di pa darating sa Pilipinas sa mga darating na siglo. Kailangan pa siguro natin ng liderato na sa isyung ito ay may totoong tapang, tapang na may dalang pagbabago sa buhay ng mga taong di pinagkaitan ng kaukulang pansin ni Lino Brocka. Tapang di lamang sa pagtanggap sa katotohanan na kailangan na natin ng nasyon ng mass transport at di nasyon ng mga pribadong sasakyan na wala na ngang maparkingan ay siya pa nating sinasamba, at lalo ng tapang na igiit ang solusyon na para sa nakararami, o para sa kanila na araw-araw ay gising sa reyalidad na hindi pinalala ng kathang-isip itong mga nangyayari.
O di kaya, let's gather our heads on this, people! And I mean, let's gather the real bravery of working together on this in a participatory democracy, instead of relying on just the macho bravado of a Department of Transportation that keeps on giving us nothing but the drugged view of a promise of a bogus socialist transport policy that shall be coursed through diktats. Let's believe in us together, instead of just a Tugade. Together, not Tugade, and rally for real change sans the kowtowing to private interests via emergency powers. (Concerning PPP projects, here's a caveat to all optimistic about new government PPP arrangements expected to come from the emergency powers setup, marketed as the Duterte solution. . . . which, for our information, were actually also marketed before as the Noynoy Aquino, Macapagal-Arroyo, Estrada, Ramos, and Cory Aquino solutions: read about New Zealand's "promised electric trains derailed by misguided enthusiasm", for example).
I say again: Let's take back our EdlSA, this time with the L that refers to the real santos, the los santos, Lino Brocka's santos, the public-transport-commuting masses. Yan ang epipanyo (o epifanyo, o epiphany) na pinapanangalin kong makita sana ng lahat bago pa man sumambulat ang mga lumang uri ng solusyon na dala ng emergency powers na ito. [S / -I]