Wednesday, October 19, 2016

Angelo Suarez Charged



AS a sort of follow-up to my posts regarding the government's traffic management efforts or shortcomings (read them here), we're giving way to this announcement posted on Facebook by a Facebook page titled MRTBulok Resbak (which translates to "RottenMRT Revenge") regarding the arrest of Angelo Suarez.
    We will be observing how the chain of events that culminated in this charge unfolds in the days to come and what that unfolding might/would signify in terms of being a manifestation of government's real management ideology (not to mention its overall political ideology beyond its lip service).
    We would also welcome any input from government in relation to its stance towards Angelo Suarez, whose initial case we mentioned in the closing paragraphs of our earlier blog titled "More Big Tent Bullshit Than Socialism, Really".

AND now to that Facebook post, which we are here reposting verbatim:


photo from https://www.facebook.com/mrtbulokresbak/posts/1418481751513573:0

#MRTBulok Resbak!
Sa gitna ng kabulukan ng MRT, nagbitiw sa posisyon si DoTr-MRT3 General Manager Roman Buenafe. Sa araw na inanunsiyo ang kaniyang pagbibitiw, ipinagmalaki ng DoTr ang kaniyang “achievement of 20 running trains.” ISa mismong araw ng pagmamalaking ito, nagkaproblema sa riles ng MRT, tatlong beses napilitang huminto ang operations, at naipon sa mga nagsarang estasyon ang mga agrabyadong pasahero. Na naman.
Malinaw na malinaw: Wala sa lugar ang pagmamalaki ng DoTr sa bulok na serbisyo ni Buenafe, dahil bulok pa rin ang MRT. At ang kabulukang ito, dulot ng pribatisasyon sa mga tren kung saan inuuna ang interes ng mga negosiyante bago ang kapakanan ng mga mamamayan. Ang MRT, kabilang ang LRT, itinuturing na negosyo, hindi serbisyo.
Inaresto noong Agosto si Angelo Suarez, isang miyembro ng Train Riders Network (TREN) dahil sa pagsisiwalat at pagpoprotesta sa kabulukang ito. Pinakasuhan at pinaaresto ng DoTr-MRT3 sa ilalim ni Buenafe, batay sa eye-witness account ng isang guwardiya na nagbandalismo raw siya ng “MRT bulok” sa isang bulok na tren. Matapos salubungin ang kaarawan sa presinto, nakalaya lamang siya dahil dismissed ang kasong nagpiit sa kaniya—kasong di dapat natuloy kung pinili na lamang makipagdiyalogo ni Buenafe sa mga tulad ni Suarez na nagpoprotesta sa kabulukan ng MRT dulot ng pribatisasyon.
Sa araw ng kaniyang paglaya, sa isang meeting kasama ang Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), nagbitiw ng salita si DoTr Sec. Arthur Tugade na bagaman kinokondena nila ang naganap na bandalismo, hindi sila interesadong ipagpatuloy ang kaso. Mas interesado silang buksan ang diyalogo sa pagitan ng gobyerno at ng mga nagmomobilisa laban sa pribatisadong MRT.
Kaya kagulat-gulat na matapos ang isang buwan, nakatanggap si Suarez ng subpoena. Noong September 28, nalaman niyang hinahabla siya ng gobyerno, matapos sabihang di interesado ang gobyerno sa habla. Kasinglinaw ng pagkabulok ng MRT ang kagustuhan ng pamunuan ng DoTr-MRT3 mang-harass ng mga militante sa kabila ng sinabi ni Sec. Tugade.
Para sa damages na naghahalagang P380 dulot ng bandalismong ginagawa lamang ng mga nagpoprotesta sa kawalan ng alternatibo para sila pakinggan ng mga awtoridad, nahaharap si Suarez sa posibilidad ng kulong hanggang 6 na buwan, dagdag sa multang aabot ng P3,000.
Sa October 12, haharap siyang muli sa Office of the CIty Prosecutor ng Quezon City para maghain ng counter-affidavit. Sa gitna ng pagbabago sa liderato ng DoTr-MRT3, walang pagbabago sa kaniyang kaso. Batay sa pagtuloy ng DoTr-MRT3 sa habla, tila sarado pa rin sa diyalogo ang gobyerno; ang bukas lamang ay ang posibilidad na ikulong si Suarez at iba pang militanteng lumalaban sa pribatisasyon ng MRT at iba pang public utilities.
Sa bagong pamunuan ng DoTr-MRT3—sina Cesar Chavez at Deo Manalo—ito ang panawagan namin:
—Drop all charges against Angelo Suarez: Umiba sa landas ng nakaraang lideratong nakagawiang mang-harass ng mga militante. Pakawalan na ang kaso at tanggaping hahanap nang hahanap ng paraan para magprotesta ang mga mamamayan hangga’t nananatiling negosyo, hindi serbisyo, ang trato ng gobyerno sa public utilities gaya ng mga tren.
—Dinggin ang mga militante: Maraming taon nang paulit-ulit ang sigaw ng mga nagmomobilisa—balikan ang onerous contracts na pinasok at pinabayaan ng mga nakaraang rehimen, at usigin ang rehimeng Duterte na panindigan ang pangakong #ChangeIsComing pagdating sa kasalukuyang pribatisadong mass public transport.
—Rescind onerous contracts: Panahon na para bawiin ng gobyerno ang mga pribatisadong tren. Unang-una ang MRT sa mga dapat isauli sa taumbayan. Suportado ito ng mga mamamayan, at tamang suportahan ng DoTr-MRT3 ang panukalang ito bilang #PartnerOfChange. Makiisa sa tulak tungong pambansang industriyalisasyon! Magsisimula lamang ito sa nasyonalisasyon ng public utilities gaya ng mga riles.
Umaasa kaming hangad din ng bagong liderato ng DoTr-MRT3 ang pagbabago sa mga tren. Masisimulan ito sa pagbitiw sa kaso ni Suarez.
—————
Inaanyayahan ang lahat ng nakikiisa sa protesta na lumagda sa online petition na bitiwan ang kaso sa http://www.ipetitions.com/…/mrtbulok-resbak-mrtbulok-fight-…
at paki-share ito nang may sumusunod na mga hashtag: #MRTBulok #PPPBulok #DropAllCharges #SerbisyoHindiNegosyo [S / -I]






No comments:

Post a Comment