Thursday, September 25, 2025

Ukol Sa Mga Panawagan ng Pagtiwalag o Di Na Pag-ambag


HINDI lahat ng ordinaryong Katoliko sa ating bansa ay naging anti-RH Law, o kasalukuyang anti-divorce or even 100% anti-abortion, to mention a few contentious positions sa Simbahang Katolika sa Pilipinas. I may even dare say that, bagamat lahat sila ay patuloy na nagsisimba at nag-aambag sa Iglesia Katolika, lahat ng Catholics are actually cafeteria ones. Naniniwala akong ganun din ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo at Jesus Is Lord Church, hindi ko nga lang alam kung ilang porsyento sa kanilang populasyon ang hindi nagpapadala sa anumang groupthink na mayroon na isinusulong ng isa o ilan sa kanilang mga lider. In my case, totally na titiwalag lang ako sa Roman Catholic Church, temporarily man o permanently, o ihihinto ang aking pa-20-20 na inilalagay sa collection bag tuwing nagsisimba (na, I admit, ay ilang beses lang naman sa isang taon), kung akin nang makikita na ang LAHAT ng lider, o ang MGA NASA TUKTOK, ng aking Simbahan . . . ay kampi sa mga tao o kaugalian na di ko kailanman maaaring kampihan.




Wednesday, September 24, 2025

The eternal urge to control the uncontrollable


BA'T di nabantayan nang maigi ng mainstream media ang mga proyekto ng DPWH? Hindi kaya dahil . . . sa word-phrase na "street gutter" pa lang, iba na ang pagkaintindi ng Philippine news journalism sa pagkaintindi ng civil engineering?
    
At itong mga project engineers naman, nag-ocular inspection naman daw. Pero an "ocular inspection" is an inspection utilizing optical devices (lenses, microscopes, &c). Kaya ba di nila nakita ang kitang-kita na ng naked eye?

MGA kababayan, narito na rin lang tayo sa usapang pag-intindi at pagtingin, . . . sana'y tingnan na rin nating maigi ang concept behind dike (levee) projects itself. Tanong: bakit levee lang ang parating tinitingnan na solusyon o ang tinuturing na pangunahing solusyon sa pagsalba sa ating binabahang mga kababayan? After all, ang mga environmentalists o ecologists, halimbawa, hindi totally supportive sa konsepto ng levees.
    At para sa mga climate change-aware, ang kahit pa up-to-standard na levees na itatayo sa mga "sinking" areas ng bansa ay maaaring mawalan na ng saysay 25 years from now. In short, kung ang perang tinapon sa levees na iyan ay ginasta na lamang sa relocation, mas forward-looking pa sana. Bakit hindi ang mga nakatira sa bahaing lugar ang tanungin natin, in a participatory-budgeting manner? Dahil ang levees sa panahon ng rising seas, walang pinagkaiba sa Dolomite Beach.






Tuesday, September 16, 2025

Paniniwala at kasinungalingan


I ONCE asked myself, posible ba'ng i-imagine si Jesus at ang kanyang disciples as a platoon of Christofascists? Yes, it is instantaneously possible now. Mai-imagine nga kita as one of his disciples' disciples. But wait, I'm confused. Shouldn't you be thankful and proud instead of angry at me every time I quote your hero-evangelist's words? O sige na nga, he was a good man. Bahala ka sa buhay mo.
    Dahil wala akong kilalang bilib sa kanya ang matutulungan kong mabago ang pagtingin sa taong yon. So, sabi nga ni Vi sa Arcane, "let things play out."
    Kaya, heto na nga. Sigaw mo, giyera na sa Amerika! Hmm. So, oh my God, civil war's a-brewing, between those who believe in a liberal Christ and those who worship a conservative one, and in between are people buying NRA stocks. Now, in the June shootings of Minnesota legislators and their spouses, nobody posted a "THIS IS WAR!" exhortation. Bakit di dapat nagsimula ang giyera noon, noong June? Ang tanging exhortation na masasabi ko, at diretso sa kanya, ay ito lang: "Rest in peace now, in peace perhaps with all the victims of automatic rifle mass shootings you didn't care about."
    War, eh? You know, people who campaign for violence, aggression and war always have this strong faith that they'd come out the winner. Faith, yes. Dahil ganito: anumang kasamaan ang plinano niya sa mundo, dahil ginamit niya ang pangalan ni Hesus, sumusunod ka sa kanyang "kabanalan" at makikipagpatayan sa ngalan niya. Marami nga naman sa ating planeta ang kakain ng balat ng durian, kasama ka na, sa ngalan ng faith na pinagsisigawan ng mga gumagamit lamang nito para maging makapangyarihan.

MORAL of the story, huwag sanang gamitin ang pangalan ni Hesus sa maling posisyon at baka ito ay bumalik sa iyo. Again, "Be careful what kind of America you wish for, you just might get it in your neck of the woods" is the blunt moral here. So, right-wing Anerica and right-wing America sympathizers in the Philippines, sure about the new American civil war you're craving for?
    Sabagay nga naman, sinasabi mong Kristiyano ka, ngunit lahat pala ng Bible quotes mo . . . galing Old Testament. Teka. Kung lahat ng Bible quotes mo ay galing Old Testament, hindi ka Kristiyano, malamang ika'y isang Caiaphasiyano. Yes! After all, "Christian" conservatives believe Christ was a conservative, confusing Him with Caiaphas.
    Kaya pala. Bilang isang Caiaphasiyano, kailangan mo muna ng 'sang-milyong pruweba bago mo matanggap iyang katotohanan. Kahit madali ka lang mapaniwala ng kasinungalingan.