Wednesday, September 24, 2025

The eternal urge to control the uncontrollable


BA'T di nabantayan nang maigi ng mainstream media ang mga proyekto ng DPWH? Hindi kaya dahil . . . sa word-phrase na "street gutter" pa lang, iba na ang pagkaintindi ng Philippine news journalism sa pagkaintindi ng civil engineering?
    
At itong mga project engineers naman, nag-ocular inspection naman daw. Pero an "ocular inspection" is an inspection utilizing optical devices (lenses, microscopes, &c). Kaya ba di nila nakita ang kitang-kita na ng naked eye?

MGA kababayan, narito na rin lang tayo sa usapang pag-intindi at pagtingin, . . . sana'y tingnan na rin nating maigi ang concept behind dike (levee) projects itself. Tanong: bakit levee lang ang parating tinitingnan na solusyon o ang tinuturing na pangunahing solusyon sa pagsalba sa ating binabahang mga kababayan? After all, ang mga environmentalists o ecologists, halimbawa, hindi totally supportive sa konsepto ng levees.
    At para sa mga climate change-aware, ang kahit pa up-to-standard na levees na itatayo sa mga "sinking" areas ng bansa ay maaaring mawalan na ng saysay 25 years from now. In short, kung ang perang tinapon sa levees na iyan ay ginasta na lamang sa relocation, mas forward-looking pa sana. Bakit hindi ang mga nakatira sa bahaing lugar ang tanungin natin, in a participatory-budgeting manner? Dahil ang levees sa panahon ng rising seas, walang pinagkaiba sa Dolomite Beach.






No comments:

Post a Comment