Friday, May 6, 2016

Starbucks Politics


PARA sa akin, less na nakakatakot sa panahon natin ngayon ang diktaduryang hayagan, dahil madali na itong makontra ng isang resistanteng kilusan. Sa katunayan, mas lalago ang resistensiya sa namamahala kapag ito ay mamamahala sa ilalim ng hayagang diktadurya; mawawala halos ang apatiya (kawalang-pakialam) ng madla, madla na matututong lumaban nang hayagan man o mapagkubli.
     Mas nakakatakot ang diktaduryang suwabe, kung saan ang lahat ng dikta niya ay dinadaan sa legalismo (kung ano ang nakasulat sa batas) at negative legalismo (kung ano ang di pinagbabawal ng anumang batas o ng absent na batas).
     Ang mga pagpatay na nangyayari sa unang uri ng diktadurya ay kinokondena. Ang mga pagpatay na nangyayari sa huling uri ng diktadurya ay bagamat nasa harap ng dyaryo ay dinadaan-daanan lamang ng mga may-dalang baso ng Starbucks na employed-but-underpaid-ngunit-kuntentong burgesya. [S / -I]


No comments:

Post a Comment