from http://quotesgram.com/joseph-brant-quotes/ |
BAKIT daw ba ako nagrereklamo sa ilang mga pangyayari sa ilalim ng pamamahala ng gobyerno ni Rodrigo Duterte, gayung ibinoto ko ito at tila ikinampanya pa sa Peysbuk.
Ang kritisismong ito laban sa kritisismo ko sa ilang hakbang ng gobyernong Duterte ay nagpapatunay lamang na may tatlong prinsipyong umiiral sa ating kultura:
1. Na ganun kalalim ang kumpyansa o tiwala natin sa ating mga manok sa eleksyon, na para bang sila'y walang magiging dungis kung sila ang nanalo at siyang magiging tunay na messiah tungo sa mas magandang umaga;At, finally,
2. Na ang ating kaligtasan ay nasa isang presidente at hindi nasa mamamayan;
3. Na ang ating kaligtasan ay nagmumula sa boto natin sa ating mga eleksyon.
KATANGAHAN.
Dahil ang ating kaligtasan ay hindi nasa mga panginoong matatalino, kundi nasa patuloy na tunay na kritisismo nating mga tao, ayon sa ating kolektibong talino, laban sa mali ng alinmang manok na nanalo sa ating mga eleksyon, maging sila'y manok mo man o manok ko. Dahil sa paniniwala nating nasa kanila ang ating kaligtasan at nasa kanila lamang, diyan tayo patuloy na tinutuka ng garapata ng mga hayop na 'to na tinuturing ng ating representatibong demokrasya na siyang tanging may talino para sa milyun-milyon.
Oo nga't dapat may binoboto tayo tuwing eleksyon. At oo, yaong sa palagay natin ay may mas magandang plano, isasakatuparan niya man ito o babaliktarin. Pero yan ay eleksyon lamang ng mga lider, mga kababayan. Nakakalimutan natin na ang lider ng mga lider ay tayo, at ang pamamahala ng mga lider ay dapat pumapangalawa lamang sa ating mga kagustuhan bilang pinakamataas na lider ng demokrasya, demokrasyang di sana humihinto pagkatapos mahalal ng inihalal. Kung patuloy nating kakalimutan ito, aba'y ano ang pinagkaiba ng kultura ng demokrasya natin sa royalistang kultura ng fans ng naglalaban-labang mga hari ng mga monarkiya?
Sa tingin ko, kaya tayo di umuunlad o may mabagal na pag-unlad sa ating pulitika ay dahil tayo ang nag-aaway-away sa sabungan ng ating reyalidad na pinapatakbo ng partisanong confirmation bias na itinanim sa mga utak natin ng ating mga pinanigang partido. Tila ayaw na nating harapin ang katotohanan na ang dapat nating sinasabong ay ang ilang mga polisiya ng mga manok nating tila'y wala pa ring humpay ang katutuka sa atin sa araw-araw.
Sabi pa nga ni Dana D. Nelson: ". . . our habit of putting the president at the center of democracy and asking him to be its superhero works to deskill us for the work of democracy. . . . the presidency itself has actually come to work against democracy."
ANG lalim ng ating kumpyansa o tiwala sa ating mga manok sa eleksyon, na para bang sila'y walang magiging dungis kung sila ang nanalo at siyang magiging tunay na messiah tungo sa mas magandang umaga, ay nagpapatunay lamang na di pa rin tayo makaalis doon sa ating paghahanap ng ideyal na lider sa katauhan ng mga manok natin. Ito ay nagpapakita rin na sa pamamagitan ng patuloy nating pagsandal sa ideyal na lider sa ating nanalong manok, o sa ideyal sanang lider sa ating natalong manok na sa ating paniniwala ay siyang may dalang liwanag ng umaga, ay nananatili tayong nakakulong doon sa mito ng "ideyal na lider" sa katauhan ng mga elemento ng plutokrasiya na may mga sagot sa problema na para bang hindi natin kaya.
Nakalulungkot na ang ating mga laban ay, bagamat para sa atin din, unang-una ay para sa kanila.
How I wish that every political critic (professional and not) owned this sub-definition of "politician" or "government official"---as one who is a friend in a cause and an enemy in another. It's sad that politicians and political parties or factions have become many of my friends' political end-causes themselves. [S / -I]
No comments:
Post a Comment