Tuesday, January 24, 2017

A Caveat to the Global Era of Post-Truth Politics


an international magazine acknowledges the phenom
as worthy of a cover treatment

NOONG mailibing ang supposedly mga buto ni Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani mid-November, nagkaroon ng ineskedyul na malalaking rali laban dito, mainly ng mga ngayo'y oposisyon nang paksyon ng mga dilawan ng Liberal Party at ng mga pulahan ng Left na kaalyado ng Big Tent ng ruling party. Ngunit sa sidelines ay may mga nagkumento---kasama na rito ang isang Trotskyist at anarchist communist kong kaibigan. Aniya noong Nobyembre 25:
    "Mapapangiti at mapapakamot ka talaga sa salimuot ng realpolitik kung makikita mo ang mga nangyayari sa likod ng entablado. Halimbawa, ngayong araw ay may mga belated rallies sa Luneta o sa Plaza Miranda o sa Mendiola Street o sa kung saan man laban sa pagbabalik ng mga Marcos, at ang rali ngayong hapon ay pinangungunahan ng Makabayan group. Alam na natin ang conflict between the Left at ng Marcos family, obvious naman iyon, di ba? Pero mapapangiti ka sa sitwasyon na silang dalawa---ang Left at ang Marcos party---ay kapwa kaalyado ng business interests ng mga lider ng Nacionalista Party at ngayon ng Big Tent government ni Duterte, at diumano ay pareho sila mga benepisyaryo ng Generous Patronage at global neoliberal business interests ng Communist State of Imperialist China. Hehehehehehe. Sino kaya ang mangingibabaw? Ano kaya ang magiging desisyon ng kanilang mga Tatay?  :)"
    Now, of course it may be that the voice of the anti-Marcos rallyists, both from the Left-hating yellows and the yellow-hating Left, together might not reflect the majority's voice, which had yet to be polled during that period of the month and year (in lieu of an absent or inaccessible direct democracy instrument for a referendum call) on the issue of Marcos' burial post-burial. You may aver that rallies are not so much proper democracy as instruments of mob rule. But, you see, democracy also provides individuals the choice to participate or not to participate, to vote or not to vote, and only those who cry are heard. And rallies may prompt people to put up more rallies everywhere else.
    But as regards the Marcos issue or even simply the Marcos burial issue, I do not think democracy (through a majority or a minority) can help this anymore since it has not really been a conflict of beliefs on facts open to the possibility of one side being able to convince the other side of the latter's beliefs' or gathered facts' wrongness; from the git-go, this has always been nothing other than a conflict of faiths (beliefs, period) by the contending parties, faiths akin to religious faiths wherein there is no possibility of one side being able to convince the other side to change its perspective. This is a closed issue to all parties concerned that democracy can judge as a hopeless conflict that only needs a little push to be escalated to the level of war as the only resolution. According to Karl Popper, democracy requires an open society, and the Marcos issue has not for a moment been open to openness from either side.
    And, seemingly, the same might apply for many other issues under the Duterte government (care of its propaganda machine) in this same era that Donald Trump won the US elections (care of its own alt-right and neoconservative propaganda machines) and China's historical claims on the West Philippine Sea that has had an upper hand as another truth contrivance in today's world.
    Welcome to the global era of post-truth politics, the resolution for which set of problematics may not be found in a democratic battle of persuasive reasoning but in the power of propaganda to manipulate the psychology of crowds' or nations' propensity for confirmation bias as well perhaps as in the power of facilely resorting to brutal force. [S / -I]



Friday, January 20, 2017

Isang Maiksing Reminder Tungkol sa Anatomiya ng Pilipinong Botante at ang Ugat ng Abuse of Power sa Ating Bansa






ANO ang mali sa pronouncement na ito?
    
"Jojo, di ba ibinoto mo rin si Duterte? Tapos wala pa yatang isang buwan ay kung anu-ano na ang pinagsasasabi mo tungkol sa Duterte government na binoto mo? Kung gago nga ang Duterte government, ayon sa punto ng ilang kritisismo mo laban dito, aba, isa ka rin sa mga dahilan kung bakit ganito ang nangyari sa bansa natin under the Duterte government. Kaya ang masasabi ko sa iyo ay ito: dun ka na lang sa binoto mo, gago ka! Panindigan mo na lang, punyeta ka!! Di ka namin kailangan sa panig namin!!!"
    Obvious naman na ang nagsulat nito ay hindi bumoto o nangampanya kay Duterte. Dahil ang bumoto kay Duterte ay ganito ang isusumbat:
    "Ang problema sa atin, boboto tayo, tapos sa huli tayo ay magrereklamo. Ganun ba parati? Di ba dapat suportahan na lang kung sino man ang nanalo dahil yun ang pinili ng tao? O totoo nga bang mahilig lang talaga tayong maging parating opositor? Kaya siguro hindi umuunlad ang ating bayan."
    Hokey. 
At ngayon, ang sagot ko sa mga mungkahi na yan, na ilalatag ko ng mahaba at ng ganito:
    
"Ser, ma'am, ang pagkakaalam ko po, lahat po tayo ay nalalagay sa single-issue activism o single-issue politics tuwing eleksyon. At least sa case ko ganun ang tingin ko sa sarili ko bilang botante. Ibig sabihin, binoboto ko ang tao na nagmumungkahi na gagawa ng solusyon sa single issue na nasa tuktok ng aking listahan. Oo nga't marami tayong nasa ating mga listahan na di angkop sa kandidatong iboboto natin at maaaring angkop dun sa kabila, kaya lang hindi iyon ang nasa tuktok sa listahan natin, at kahit man marami tayong magkakaparehong causa sa ating mga listahan ay magkakaiba tayo ng piniling issue na ilalagay sa tuktok ng ating kani-kaniyang listahan. At dahil alam ko iyan, ser, ma'am, nung ako'y bumoto, pinangako ko sa aking sarili na hindi ako magiging loyalista ng sinumang pulitiko at ng kanyang mga pagpangako kundi ng pagtupad sa mga issues sa aking listahan. Kaya . . . dun sa sinasabi niyong pareho na dun na lang ako dapat sa binoto ko parati, nagkakamali po kayo sa inyong pag-iisip na ang binoto ko ay yung tao at hindi yung causa na nasa tuktok ng aking listahan (na maaaring tinupad niya o tinupad niya ng mali o sinuway niya o iniwan na sa daan). Alam niyo, hindi lang naman ang kandidatong binoto ko ang nangako. Ako rin ay nangako. Pinangako ko sa aking sarili na lalabanan ko ang aking piniling kandidato sa ibang issue sa aking listahan na hindi siya angkop. At, alam niyo, ganun din naman ang pinangako ko sa aking sarili pagdating sa ibang kandidato, na kung sila ang mananalo ay hindi ko sila lalabanan sa lahat ng issue, dahil hindi sila ang kinalaban ko kundi ang maraming issue na hindi angkop sa kanila. Susuportahan ko naman sila sa mga issue sa listahan ko na angkop sa kanila. Muli, . . . sa mungkahi niyo, ser, na doon na lang ako parati dapat sa binoto ko dahil di niyo ako kailangan sa panig niyo, at sa parinig ninyo, ma'am, na tila adik na ako sa pagiging kontra parati, hindi po ako pumapanig sa inyo, ser, o sa kabila, ma'am, dahil sa tao ninyo/doon kundi dahil sa causa ninyo/doon kung saan kaisa ninyo/nila ako, dahil nasa listahan ko rin ang causa na iyon. Ser, kung ayaw niyo akong tanggapin sa rally niyo dahil binoto ko si Duterte, aba, okey lang. Kikilos ako nang hindi ko kayo kasabay, dahil hindi ako lumalaban sa ngalan ng isang pulitiko kundi sa ngalan ng mga causa ko. Hindi ko kayo kaisa sa inyong loyalismo, ser at ma'am, dahil tinuturing ko ring kalaban ang anumang uri ng loyalismo sa tao o partido."
   
At dito ay biglang paakbay na pumasok ang aking Facebook friend na si Bert David ng may ganitong mga salita ng pagsuporta sa aking posisyon. Aniya: "Baluktot pa kasi at dapat itama ang pag-unawa ng mga kababayan natin sa kung ano ang demokrasya. Akala pa rin ng ilan, ang inihahalal sa mga eleksyon ay kundi man inihalal upang maging diyos, ay hinalal para maging hari o reyna o diktador, kung kaya't ang mga itoy ay nagiging mandarambong o manggagantso o mamamatay-tao nila. Di pa rin maintindihan na ang ibinoboto at dapat ibinoboto ay ang mga mabuting tao na makagagawa ng mabuti sa bansa at sa kapwa. At lalong di alam na sa demokrasya, kabahagi ang botante sa pang-araw-araw na pamamahala kung saan tinatalakay ang mga bagay-bagay na ginagawa para sa ikabubuti ng madla (hindi para sa ikabubuti ng mga ibinotong akala nila'y dapat lang na naging diyos o hari o reyna o diktador na naging mandarambong o manggagantso o mamamatay-tao ng botante."
    Mismo. Dahil kung ito nga ang anatomiya ng ating pagboto, totoo nga ang kasabihan na ang karapatang bumoto ng tao sa isang representative democracy ay isang karapatan nilang pumili ng kanilang susunod na magiging diktador.
    
Matagal ko na ring sinasabi na tae talaga ang isang purely representative democracy na walang kasama o kaakibat na direct democracy instruments para sa tao. Hindi ito totoong "demos kratos" (democracy) o people's rule, dahil madalas rito, ang ibinoto mong tao ay nandun na, nagsisimula nang umalis sa kanyang ilang mga pangako at umabuso na rin sa kapangyarihang ibinigay sa kanya at di na mabawi ng mga bumoto sa kanya, salamat sa pribilehiyong ito na bigay ng taeng pure representative democracy.
    
At kahit pa matagal na akong nagdadadaldal tungkol diyan, walang nakikinig sa kuto na tulad ko, dahil buo na ang paniniwala ng sambayanan na ang ating kaligtasan ay nasa mga inihahalal, mga inihahalal na sana ay maging mabuti at hindi masama. Buo na ang kanilang paniniwala na ang ating kaligtasan ay hindi nasa pagpalit o pagbago sa sistemang nagbibigay ng pribilehiyong bukas na bukas sa temtasyon ng pag-abuso. Kaya walang natututunan ang bansang ito tungkol sa kasamaan mismo ng sistemang bukas sa abuso ng masama (at ng mabuting maaaring maging masama), dahil sa kanilang malakas na paniniwala na ang taong inihalal lang ang maaaring maging masama (at mabuti), na ang taong mabuti ay di magiging masama sa loob ng ganito kalaking pribilehiyo at poder. At ako'y naging pessimist na tungkol sa future ng bansang ire na reklamo nang reklamo ngunit ayaw umalis sa sistema ng pure representative democracy na siyang ugat ng lahat ng abuse of power ng mga pulitiko. [S / -I]


Tuesday, January 10, 2017

Isang Paghingi ng Tulong ng Isang Kritiko



Angry UPLB students march all the way to the Chancellor's Office in the last semestral enrollment to denounce a flawed implementation of SAIS, an online enrollment system. (PHOTO BY CHRIS QUINTANA borrowed from http://interaksyon.com/article/131136/uplb-students-protest-flawed-implementation-of-online-enrolment)


MR. PRESIDENT, anuman po ang naging batikos namin sa inyo, kaming mga mahihilig mamuna sa sistema at kultura ng gobyerno, aaminin namin na pagdating sa iilang mga bagay, tulad ng pagpapatakbo ng mga opisina ng gobyerno . . . parang dun yata kayo magaling. Sabi nila di raw ninyo tinatanggap ang anumang paliwanag tungkol sa inepesyidad. Nagngingitngit daw po kayo sa mahahabang pila ng tila primitibong sistema ng marami nating tanggapan, at galit na mukha raw ninyo ang pinapadala ninyo sa mga nagpapatakbo ng mga opisinang ito sa pagsabing bilisan nila ang paghahanap ng solusyon kung gusto pa nilang manatili sa kanilang mga puwesto. Aaminin ko, Mr. President, akong umiiling sa tila kawalan ng anumang malaking pagbabago sa kultura ng gobyerno sa ilalim ng iyong pamumuno, na may mga pagbabago rin naman tayong nasaksihan sa serbisyo ng gobyerno kahit konti, at di lang po ang biglang paglaho ng laglag-bala sa Nicknamed Aquino International Airport ang tinutukoy ko. Oo nga't may mga atungal pa rin ako at may di maawat na puna sa ilang polisiya ninyo tungkol sa government service at function, at asahan mong di ako titigil sa kaaatungal sa iba pang malalaking problema ng sistema. Subalit asahan niyo rin naman po na ibibigay ko rin naman ang palakpak sa ilang mga magagandang resultang manggaling sa inyong rehimen, at nawa'y kasama na rin dito ang sa pang-araw-araw na takbo ng buhay sa ilang mga opisina tulad ng mga kapitolyo, mga corrupt na assessors' offices, klasikong mabagal at masungit na SSS, atbp. Sa magagandang resulta na mangyayari, Mr. Presdient, may nakareserba rin naman po akong saludo para sa inyo, kung di man ito para sa buong pamamahala ninyo ay, at least, sa mga bagay na di ko maitatangging may magandang resultang nabuo. Maniwala po kayo na hindi ko pinupuna ang ilang Duterte policies dahil lamang Duterte policies ito, kundi dahil pangit ang mga ito; ito rin naman ang dahilan kung bakit hindi rin naman ako nag-aatubiling pumalakpak sa ilang Duterte policies na maganda, kahit pa man Duterte policies ito.
    Hindi ko na po pahahabain pa ang mahabang pasakalye ko, Ginoong Pangulo, at pupunta na po ako sa pakay ko. Ginoong Pangulo, kaya ko po nasabi/naisulat ang 338 words na iyan sa itaas . . . ay dahil mayroon po akong isyu na irereport sa inyo at hihingan ko ng solusyon mula sa inyo. Dahil, maniwala po kayo't sa hindi, problema po itong hindi lang di mahanapan ng solusyon ng ating matatalinong mga dalubhasang akademiko, palala pa po ito nang palala, taon-taon po. Kaya po di maiwasan ng marami ang i-apply rito ang isang folk axiom na nagsasabing "kung may problemang paulit-ulit na di mahanapan ng solusyon, tiyak may kumikita sa pananatili ng problema na iyan." Batid naman siguro natin na marami na rin ang naniniwala na ang dahilan kung bakit di masolusyunan ang, halimbawa, dapat simpleng problema lamang ng trapik . . . ay dahil (daw) malaki ang kinikita rito ng oil companies sa increase ng gasoline consumption na nagmumula sa mga gumagapang na sasakyan.
    Ngunit hindi po solusyon sa trapik ang minumungkahi ko sa inyo, Mr. President, kundi mas maliit pa pong isyu kaysa riyan. Siguradong-sigurado ako na bilang dating meyor ay yakang-yaka niyong mahanapan ng solusyon ito, dahil kahit ako po na isang ordinaryong mamamayan lamang ay tila may mga naiisip na solusyon na rin naman, kaya lamang po ay wala po tayo sa kapangyarihan at siguradong di nila pakikinggan.
    Ang tinutukoy ko po, paumanhin na lang po sa marami kong sinabi bago makarating dito, ay . . . ang malalang sistema sa mga public schools pagdating sa assessment at sa pagbabayad tuwing enrollment, kung saan ang pumipila po ng alas-4 ng umaga ay di pa nga minsan umaabot sa unahan pagdating ng alas-5 ng hapon. Hindi po ako nagbibiro, Mr. President, huwag po kayong tumawa, ser. Tanungin niyo po ang mga estudyante ng UP, ng PUP, ng Bulacan State University, o ng alinmang public university riyan. Ang logic po ng isang kritiko niyo tulad ko kung bakit sa inyo pa rin ako pumunta ay ito: Kung walang ni isang matalinong may-PhD na presidente ng pampublikong unibersidad ang tila nakakita ng solusyon sa palala nang palalang problemang ito sa ating mga public schools, aba, huwag po kayo magulat kung bakit tumatakbo po kami ngayon sa isang dating parating 75 lamang ang grado. Baka nasa inyo na po ang solusyon at hindi sa matatalinong mga gunggong na iyon. Sana nga po. Di po ako isang Mocha Uson, Mr. Presdient, ngunit di po ako mag-aatubiling pumalakpak sa inyo sa isyu na ito kung mahahanapan niyo ng agarang solusyon, as in overnight, Mr. President, dahil sa Friday na po kami naka-schedule na pumila, ser!

(panoorin ang video na ito na nagpapakita ng mahaba nang pila sa
Bulacan State U sa alas-4 pa lang ng umaga ngayong linggong ito: 
https://www.facebook.com/TheBulsuMemes/videos/1860217320924857/)

    Handa ko po kayong ituring na hero sa problemang ito, Ginoong Pangulo, kung mababago niyo ang sistemang ito in three to six hours. Huwag niyo lang pong hingin na isama ko na rin si Marcos sa standing ovation na gagawin kong iyon. At kung iyon po ang hihingin niyong kapalit, pipila na lang po ako, kahit pa isang linggo. [S / -I]