Friday, April 22, 2016

Salamat, semiotics



photo from http://www.elitereaders.com/naia-source-disclosed-how-scammers-pick-their-targets-at-the-airport/


PAANO mo masusukat kung gaano katanga o ka-switik ang isang rehimen? Simple lamang.
     Halimbawa, sa ngayon, sa pamamagitan ng science and art of semiotics, malalaman nating ang napakaraming stretch-wrapped na luggage sa isang airport ay simbolo ng isang pagkatakot at kawalan-ng-tiwala ng mga mamamayan sa kanilang airport personnel at executives. At kung matatandaan natin na anumang posisyon sa gobyerno ay position of bestowed trust, nangangahulugan lamang na ang kawalang-trust ng mga pasaherong ito na may stretch-wrapped luggage ay kawalang-trust sa mga nasa kanilang mga posisyon.

     Ngayon, pinansin o pinapansin ba ng gobyerno ang simbolong ito? Well, oo naman. Paano?
     
Ito nga lang ang difference. Imbis na ituring na symbol of distrust ang stretch-wrapped luggage, itinuring itong signifier ng need at mabilisang ikinonnect sa neoliberal motto na nagsasabing “where there’s a need, there’s a good business opportunity.” Kaya imbis na magkumahog ang gobyerno na mawala ang symbol of distrust na ito, dahil itinuring niyang signifier of need lamang, nagkumahog siyang i-facilitate ang need na ito.
     Ano ang resultant, mga kababayan? Ang resultant ay ang nakita natin, na may gobyernong nag-facilitate hindi lamang sa pagdami ng simbolong ito (sa pamamagitan ng paglagay ng entrepreneurial stretch-wrapping services sa airport mismo), finacilitate din niya ang threat ng mga extortionists na nagsasabing ang di-pagbigay ng extorted money ay tutungo sa arraignment ng isang kakasuhang biktima.
     Semiotics, may tanong uli ako sa iyo. Paano mo nasusukat ang lalim ng pagkatanga o di kaya pagka-switik ng isang rehimen? [S / -I]



No comments:

Post a Comment