photo mula sa http://news.abs-cbn.com/news/07/07/16/3-lalaking-nanlaban-sa-mga-pulis-maynila-patay |
ILAN sa mga napabalitang napaslang (sa ilalim ng anti-drug drive ng gobyerno) ay anti-drug activists na pinaslang ng mga drug trafficking organizations? Ano ang ginagawa ng gobyerno para di na dumami pa ang mga anti-drug activists na mapapaslang ng mga organisasyong ito?
Ilan sa nabalitang mga napaslang ang napaslang dahil sa mistaken identity? Ilan na ang nadampot dahil sa mistaken identity?
Ilan sa napabalitang mga napaslang ang wrongfully accused o biktima ng wrongful execution (na tinaniman pa ng ebidensya at baril)?
Ilan sa napabalitang mga pulis na nakapaslang ng diumano'y nanlaban na mga suspek ang bahagi o nasa payroll ng drug trafficking syndicates at maaaring napag-utusan ng sindikato na paslangin ang lahat ng may nalalaman tungkol sa kanilang druglord? Ano ang ginagawa ng gobyerno sa pag-usisa tungkol sa usaping ito? Naniniwala ba talaga si General Rock ofthe Rose (Bato dela Rosa) na hindi ito posible, ayon sa sabi niya sa panayam sa kanya ng TV5 tungkol dito, dahilan kung bakit walang pag-usisa sa usaping ito?
KUNG walang ginagawa ang gobyerno para maprotektahan ang mga anti-drug activists na may kaunting alam tungkol sa ilang public figures sa illicit drug trade, ano ang impact nito sa anti-illegal drug drive ni Presidente Duterte?
Kung walang gagawin ang gobyerno tungkol sa mga napaslang dahil sa mistaken identity, kung totoo ngang mayroon, o nadampot dahil sa mistaken identity, kung totoong mayroon, ano ang impact nito sa anti-illegal drug drive ni Presidente Duterte?
Kung walang gagawin ang gobyerno sa mga kaso ng wrongfully accused at mga kaso ng wrongfully summarily executed, ano ang magiging impact nito sa anti-illegal drug drive ni Presidente Duterte?
Kung walang gagawin ang gobyerno sa mga problemang nabanggit, dahil lamang sa kaniyang paniniwala na hindi posible maging totoo ang mga problemang ito, . . . dahan-dahan bang pinapatay ng gobyerno ang sarili niyang anti-illegal drug drive?
Abangan na lang siguro natin kung saan ang lahat ng ito ay patutungo, at kung tataas nga ba ang bilang ng mga napaslang na di dapat napaslang. [S / -I]
No comments:
Post a Comment